Tuesday 27 September 2011

Morgan

Noong bata pa ako, may binigay sa akin na tuta si mang Kanor. Pinangalanan ko yung tuta ng Morgan. Matabang lalake si Morgan at kulay puti ang kanyang mga balahibo. Malalaki at kulay brown ang kanyang mga mata. Si Morgan ay isang askal na anak ng aso nila mang Kanor na si Jackie, pero hindi ko alam kung sino ang kanyang tatay. Tuwing umuuwi ako galing sa paaralan, lagi akong sinasalubong ni Morgan sa gate namin. Kapag wala namang pasok ay lagi ko siyang kalaro sa may bakuran. Ayaw na ayaw ni Morgan ang pinapaliguan siya. Noong pinaliguan ko siya minsan, umalulong siya ng umalulong at muntik pa akong kagatin. Siguro pusa ang tatay niya.


Monday 26 September 2011

Paulit-ulit nalang

I. Unibersidad

Lunes nanaman, eto ang pinakaayaw kong araw. Paulit-ulit nalang. May bagyo pa badtrip. Bakit ba kasi hindi pa sinuspinde ang klase, e halos nagsisiliparan na ang mga bubong dito. Ang labo din kasi ng PAGASA na walang pag-asang tumama sa pag-uulat ng panahon. Signal number 1 lang daw dito ngayon, pero tang-ina brip ko na lang ata ang hindi basa habang nilulusong ko 'tong galit na galit na ulan.

Diretso ako sa aking pinakamamahal na unibersidad. Medyo malapit na pala kong malate sa klase, shit. Pagdating sa gate, chineck ng mga sekyu ang bag ko, na notebook at ballpen lang ang laman, at kinapkapan ang pantalon kong medyo basa. University protocol daw, para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. 

Oo eto may bomba ako mga motherfuckers at bobombahin ko kayo. Anong akala niyo sa mga studyante niyo, mga terorista? 

Friday 23 September 2011

Sikreto

Mahaba ba 'to? Hindi, iiklian ko para sayo. Kasi alam ko, tinatamad kang basahin 'to pag kinakailangan ng iscroll down yung mouse para mabasa mo yung kabuuang kwento. Ang sikreto kasi para basahin yung mga shits mo sa isipan e iwasan ang pagkatext heavy, kahit na ang term na 'text heavy' ay para sa komiks lamang. Paano mo ngayon maiiwasan ang pagiging text heavy? Hatiin, gawin mong part 1, part 2, part 2.5, part 2.53322 and so on, basta dapat may to be continued. Well effective 'to para sa mga wala pa namang nagbabasa ng mga shits nila sa isipan. Pero kung meron ka ng avid reader/s, kahit medyo habaan mo na, babasahin na yan, kasi nga, yun.


Tungkol ba saan 'tong shit na naiisip ko ngayon? Actually sabog, kasi gusto ko kwento, pero hindi siya kwento kasi kung kwento dapat may tauhan. Isa pa pala sa mga sikreto, i-hang mo yung topic na tungkol sa love, tulad neto kasi ang love ay..

-to be continued

Monologue ng Batang di Makatulog

"Cheating is a crime"

-Ows?!

-Oo! Tangna lalo na pag nahuli ka.

-E pag di ka nahuli?

-Edi uhm, ayos lang siguro.

-Madami bang gumagawa nun?

-Medyo. Yung iba di nila alam cheating na pala yung ginagawa nila.

-Ahh. e pagkinunsinti mo ok lang?

-Depede kung OK lng sayo yung ginagawa nila o hindi.

-E pag hindi OK sayo?


Mundong Kay Gulo ng Magulong Mundo

Nakakaloko paminsan-minsan ang mundo. Alam mo kung bakit? Bakit nga ba? Sige, ikwekwento ko. Ganito kasi, may mga panahon na joke ka ng joke na tila gusto mo lang naman na magbigay ng ngiti sa iyong mga kakilala. Mantakin mo ha, ‘bigay ng ngiti’, ibig sabihin libre, pero sa kasamaang palad lahat sila ay sumeseryoso sa tinatawag mong joke at ayaw tumanggap ng libreng ngiti. Anong nakakaloko dun? Wala, ewan kasi may time naman na seryoso ka na sa sinasabi mo pero tingin ng iba e joke pa din kaya hihirit din sila ng joke na di mo malamanlaman kung joke nga ba o seryoso din sila. Halimbawa, example ha, sabi ko ‘Ang ganda mo naman’, yung pagkakasabi ko ay sincere na sincere na walang halong sarcasm at syempre nakangiti ako (ang pangit naman siguro tignan kung wala kang emosyon habang sinasabi mo ‘yun) tapos ang interpretation ng sinabihan ko ay nanlalait ako or tipong ginu-goodtime ko siya. Eto siguro ang nakakaloko sa mundo, ang mga katotohanan sa lipunan ay di sineseryoso.


Thursday 22 September 2011

Tao-ism


Ang aga ko nanamang nagising kahit di nag-aalarm ang phone ko. Di ko alam kung gumagana lang ba yung 7-3 shift reflex ko, o excited ako. As usual wala na namang kainan ng almusal(Ang maaga kasi sa akin ay 5 minutes bago magbell). Bumili lang ako ng tinapay at fit 'n right, yep that's right, na hindi ko lang din nakain at nainom dahil nabusog ako sa gutom(alam mo yung pakiramdam na sa sobrang gutom mo e bigla kang nabusog? Iexplain ko on separate entry). At yun na nga pumasok na ko sa school. Crap, 2nd day of classes, pero parang first day of school pa rin. Ako ba ang stranger, o sila? O kami? Basta di ko kilala yung iba or namumukhaan. Ting! 2nd bell na. Simula na ng suntukan, ng utak. Discuss si sir, kamot ako ng ulo, explain si sir, tango ako. Sulat ng sinabi, sobrang bilis, di ko nasundan, kopya sa katabi. Oo hindi ako nakipagdaldalan. Repeat 'til lunch break. O yun na, naglunch break na.

Tapos...

Monologue ng Batang Natutulog(sa klasrum)

Ang nakaraan,


Teacher: Okay class pass your papers. At the count of 10 all papers in, 1, 2, 10.

“Truth behind the truth”


-Yan, yan yan, epekto nanaman ng kakapanood mo ng Boys Over Garden! Hahaha.


-‘Lul! Wala, nabasa ko ‘to sa vandal ng upuan. ‘Truth behind truth’, ang lalim e oh.


-Tingin nga? Mababaw naman. Malalim pa yung butas ng ilong mo! Hahaha.


-Fekyu!


-Truth behind the truth. edi katotohanan sa likod ng katotohanan! Wala ‘to! Why complicate such things if you can just let it be simple. Hahaha.


Ang Alamat ng Walang Moral Lesson na Alamat



Isang araw may dalawang hindi magkakilalang tao na naging magkakilala dahil sa ano, sa alam mo na, pag-uusap.



Scene: Sa isang kakahuyan kung saan mafog pero maaraw tapos madaming tae ng kabayo. As in sobrang fog! Tapos nagkalat nga ang tae ng kabayo. Puta sa kakahuyan talaga dapat e no?



Imaginin mo sobrang daming tae ng kabayo.



Wednesday 21 September 2011

X v.01




If X is equal to 3/4, then Y?

Yes it is.

Napansin mo ba na napaka mahiwaga ng letra na 'to? Ako napansin ko. Kaya ikwekwento ko sayo.

X, ika-dalawampu't walo sa English alphabet at ang ika-labingwalong consonant(di ko alam ang tagalog). Nung unang panahon daw ay wala pa silang magamit na letra na sisimbolo sa tunog na ks(hindi kill steal), tapos etong mga kaibigan nating greeks, na mukhang nasobrahan sa iodized salt , e naisipang gawan ng letra. Kaya ngayon meron na tayong X. Thanx greex. May limang tunog ang x depende sa pag gamit. Ks sa expert, gz sa exist, ksh sa anxious, gzh sa luxurious at z sa xylophone(bat di na lang kasi zylophone no?). Sa matematika, ang mga roman peeps natin ay ginagamit ang X bilang number 10. Oo period na yun, wala akong trivia sa matematika.