Isang araw may dalawang hindi magkakilalang tao na naging
magkakilala dahil sa ano, sa alam mo na, pag-uusap.
Scene: Sa isang kakahuyan kung saan mafog pero maaraw tapos
madaming tae ng kabayo. As in sobrang fog! Tapos nagkalat nga ang tae ng
kabayo. Puta sa kakahuyan talaga dapat e no?
Imaginin mo sobrang daming tae ng kabayo. |
Naligaw bigla si Person1(Hindi ko muna pinangalanan para suspense
shit) sa kakahuyan dahil sa kakapicture picture ng mga kapicture picture na
bagay. Habang naglalakad siya,
Person1: Yuhooooooooooo! May tao ba ditooooooooooo????? Yuhooooo!
Yuhooooo!
Sa di kalayuan naman, si Person2(Hindi ko din muna pinangalanan
para suspense shit) na sa di ko rin malaman na kadahilanan ay napadpad sa
kakahuyan na yun. At kasalukuyang nagtatanggal ng naapakang tae ng kabayo sa
kanyang sapatos. Bigla nyang narinig ang sigaw ni Person 1,
Person2: (Habang nagkakaskas ng sapatos sa damuhan) Teka ano yun?
Ako ba yung tawag nya? Pag tripan ko kaya't sagutin ko ng parang text?
Whoooooooooooooooo youuuuuuu???!! Hahaha!
At tulad ng mga nangyayari sa ibang kwento, e nagkarinigan ang
dalawa. Narinig ni Person1 ang sigaw ni Person2. Sumigaw ulit si Person1 na
parang fucked up.
Person1: Oo! Ako nga si Hu Yoo!!! Nasaan ka? Tulugan mo naman
ako!!
"Wtf?!" Ang unang naging reaksyon ni Person2, pero dahil
mabait siya at matulungin siya at kumakain siya ng gulay at nagsisimba siya
linggo linggo at superfriendly siya nung bata pa siya, e sumagot siya ng maayos
kay Hu Yoo.
Person2: Ano bang problema mo?
Hu Yoo: Naligaw kasi ako, di ko na alam ang daan pabalik.
Person2: Sundan mo 'tong boses koooooooooooooooooooooooooo
paaaaaaaaaaaaaaaaraaaaaaaaaaaaaa
maaaaaaaaaaaakiiiiiiiiiiiiiiiiittttttaaaaaaaaaaaaaa moooooooooooo
koooooooooooo!
Hu Yoo: Anoooo????
Person2: Sundan mo 'tong boses ko para makita mo ko.
Hu Yoo: Sige!
Person2:
DiiiiiiiiiiiiiiitttttttttooooOooooooOoooooooooOoooooooooooooOoooooooooooooooooooooooooooooOoOoOo
After 10 minutes ng kakasigaw ni Person2 e nagkita din sila ni Hu
Yoo.
Hu Yoo: Ay puta tae.
Person2: Sorry di ko nasabing nagkalat ang mga tae ng kabayo dito.
Hu Yoo: (Busy na nagkakaskas ng sapatos sa damuhan) Ako nga pala
si Hu Yoo nice to meet you, alam mo ba kung pano lumabas dito? *sabay kuha ng
picture kay Person2*
Person 2: Nice to meet you too, Hue Hu nga pala. *shake hands* Oo
alam ko p're, tara?
Hu Yoo: Yun salamat! Sige! Tara! *Nagkakaskas pa rin ng sapatos sa
damuhan.*
Sinundan nila ang mga tae ng kabayo at makalipas ang 30 minutes ay
nakalabas na sila sa kakahuyan.
And they lived happily ever after...
Moral lesson:
Wala. Hindi lahat ng storya ay may moral lesson. At hindi lahat ng
nakikilala mo sa pag-uusap ay may nakukuha kang lesson. At minsan, ang mga
inaakala nating mga walang silbeng tae e may silbe pala. At minsan kailangan
mong maligaw ng landas para makakuha ng malupet na ano, lesson sa buhay, okaya
picture.
No comments:
Post a Comment