Wednesday 21 September 2011

X v.01




If X is equal to 3/4, then Y?

Yes it is.

Napansin mo ba na napaka mahiwaga ng letra na 'to? Ako napansin ko. Kaya ikwekwento ko sayo.

X, ika-dalawampu't walo sa English alphabet at ang ika-labingwalong consonant(di ko alam ang tagalog). Nung unang panahon daw ay wala pa silang magamit na letra na sisimbolo sa tunog na ks(hindi kill steal), tapos etong mga kaibigan nating greeks, na mukhang nasobrahan sa iodized salt , e naisipang gawan ng letra. Kaya ngayon meron na tayong X. Thanx greex. May limang tunog ang x depende sa pag gamit. Ks sa expert, gz sa exist, ksh sa anxious, gzh sa luxurious at z sa xylophone(bat di na lang kasi zylophone no?). Sa matematika, ang mga roman peeps natin ay ginagamit ang X bilang number 10. Oo period na yun, wala akong trivia sa matematika.


So anong mahiwaga sa X na sinasabi ko? Napansin mo ba na sobrang daming maderpakenshet na gamit ang X? Siyempre ako nanaman. Ginagamit bilang simbolo ng bawal, lason, cancel, mali, close, crossing, mark sa treasure map, porn, porn, porn, Di ko kayang tanggapin ni April Boy Regino, dating kasintahan, laging hinahanap sa math problems(kelan nga ba talaga siya mahahanap), sa grid, pumapalit sa Chris(e.g. X-mas, xtian, x aquino) , pag capital katumbas ng 88 sa ASCII code, pag lowercase 120 naman, porn- ay nasabi ko na pala, nasa batok na nga ni Vin Diesel 3 pa, sa mukha ni Kenshin, at higit sa lahat meron itong sariling Men, Box, Files, at Ray. Hindi ba? Hindi ba? Hindi.

Ex, X, ginagamit 'to bilang pantukoy sa dating kasintahan. Alam mo kung bakit? Alam mo? Wag ko na pala ikwento. Kasi ang letrang X, kung mapapansin mo, gawa ito sa dalawang linyang nagmula sa magkaibang direksyon. Ang dalawang linyang ito ay sumisimbolo sa lalake't babae. Pwede ding babae't babae or lalake't lalake kung di ka conservative. Obviously di pa sila magkakilala nung una, or malaki pa ang gap ng kanilang feelings(yep nasukat ko gamit ang thermometer), tapos dadaan sa ligawan process(pwede ding sex na agad) kaya nagnanarrow na yung gap. Magtatagpo ang dalawa sa gitna, kung saan pag nagtagpo na ang dalawa, after the process of ligawan, e magiging 'in a relationship' na ang status nila sa facebook. Yan buo na ang half X o V okaya naman ay > or < or ^, basta half ng X. Siyempre magtatagal muna sa V,^, na itsura, tas sad to say pag maghihiwalay na sila, unti unti nanamang lalaki ang gap ng kanilang feelings(yep, this time weighing scale). Ganun lang ng ganun hanggang bumalik sa virgin state ang kanilang feelings or worst yung may pait na.

Question: E pre pano yung nag-aaway 'tas nagkakaayos?

Answer: Edi bumabalik sa V.

-Ahh ganun pala kaya X ang tawag sa dating kasintahan. Hindi, pauso ko lang yan.


-If X is equal to 3/4, then Y?

-Yes it is.


-How come?

-Alisin mo yung isang paa ng X. :D


-to be continued pag sinipag
Iz na pon





No comments:

Post a Comment