Sunday 30 December 2012

Santa ON

Walang kinalaman dito si Santa. Wala ring kinalaman dito ang pasko. Pero may kinalaman ang 1 year. 1 year Hospital experience. 1 year Mental Hospital experience. 1 year Mariveles Mental Hospital experience. Akalain mong isang taon na pala yun na paganun ganun lang? Paganun ganun meaning, pa vital signs vital signs, papainom painom ng gamot, pachart chart, patali tali, pa-NPI NPI, palinis linis ng sugat, parefer refer, pakwan kwan, pa-ano ano. 1 year na yun? Ang bilis. Sa pagbabasa mo nito, sinisigurado kong wala kang mapupulot na aral. Kwento lang 'to basta.


Friday 23 November 2012

Tae Na!

Natatae ka ba? Natatae kasi yung katrabaho ko. Pero di siya sure. Langya.


Wednesday 21 November 2012

GMRC sa Internet Seryoso?

"Huy, wag kang nagmumura sa Facebook o sa Twitter o kahit saang parte ng internet. Masama yun. May mga batang nakakabasa, baka gayahin ka."

Sunday 4 November 2012

Orientation Motherfucker



Naisulat at naganap noong December 12, 2011. Anumang pagkakahawig nito sa totoong buhay ay malamang sinadya dahil nangyari talaga ito sa totoong buhay.

Halos mag-iisang taon na rin pala. Shit.

"May hihigit pa ba sa pangit na gising mo sa umaga, 
Kung nauna ka pang nagising sa tunog ng alarm clock, punyeta. 
Excited ka ba? 
Nakatulog ka ba? 
O, pupungas pungas ka pa, 
Tignan mo may muta ka pa sa mata."


Wednesday 13 June 2012

Camping and Hiking Tips and Tricks 101 mula sa Endangered Mt.Tarakers/Papaya River Explorers

Ang Tamang Pagpa-plano.





1.) Isang linggo bago ang nasabing petsa ng pamumundok, dapat ay siguraduhing pwersahang pilitin ang mga isasama. Pag sinabing pwersahan, literal talaga na pwersahan. Ang hindi sasama, susunduin sa kani-kanilang bahay sa mismong araw ng pagha-hike. Gabihin man ang pamumundok okay lang yon, ang importante, damay damay.



2.) Kung may pasok sa araw na iyon, absentan. Magpaalam ng mabuti sa maiiwanang kasama at gumawa ng kapani-paniwalang letter of explanation na ipapasa sa iyong boss. Halimbawa, "Hindi po ako nakapasok nang araw na iyon kasi po absent ako. Sorry po, hindi na po mauulit, promse peksman, mamatay man yung aso ng kapitbahay namin na walang ginawa kundi tumae sa harap ng gate namin. Salamat po sa pag-unawa. Lubos na gumagalang, [insert name here plus signature plus smiley]". Sigurado kinabukasan pag pasok mo ay masakit ang katawan mo, kaya pwede mong ipaliwanag na nagka-trangkaso ka kaya hindi ka talaga nakapasok at pinilit mo lang ng araw na iyon pumasok dahil isa kang ulirang manggagawa. Tandaan na huwag mag-uupload agad ng mga pictures sa kahit anong social networking sites para walang ebidensya.

3.) Ihanda ang tent. Siguraduhing kakasya kayo dun. Huwag magrecruit ng hindi kakilala tapos makikitent lang.

4.) Magdala ng flashlight na malapit ng mawalan ng baterya. Dagdag sa thrill ang mahinang ilaw ng flashlight lalo na kapag gabi, at tanging huni gawa ng mga hayop na hindi mo malaman kung ano tangi mong maririnig.

5.) Magdala ng mga cup noodles at kape. Mga instant talaga ang kailangan kapag ganitong hiking, dahil bukod sa magaan, ay napakasustansya na kailangan ng katawan. Huwag kalimutang iwanan ang butane, para wala kayong mainit na tubig.

6.) Magdala ng diyaryo. Hindi para basahin, kundi para gawing pamparingas. Mas maganda kung Manila Bulletin ang dadalhin. 

7.) Magdala ng lotus. Bukod sa magaang na, pwede pang gawing payong. But wait there's more! Pwede din gawing pang latag sa sahig! What a great offer! Pwede ding ibigay sa manang na nangunguha ng lotus sa paanan ng bundok. Saan ka pa? Lotus na!

8.) Huwag ipa-plastic ang mga damit sa bag. Kapag ganitong tag-ulan, dapat talagang mabasa lahat ng damit mong dinala. Tsaka na papatuyuin kapag umaraw.

9.) Huwag mag sapatos at mag pants. Tandaan, maghihiking kayo hindi kayo gigimik. Sapat na ang tsinelas at shorts.

10.) Huwag kalimutan ang camera. Kailangan ang camera para makapagpicture ng magagandang views at para may maipagmamayabang ka na namundok ka nga.


Ang tamang pagpa-plano ng lakad ay hindi talaga pinaplano. Tandaan na hindi talaga natutuloy ang isang lakad kapag pina-plano.



At siyangaps, tubig, kailangan nyo ang tubig, siguro mga 5 gallons, para siguradong makapunta kayo sa peak.





Wednesday 30 May 2012

Cycle

Iwanan mo muna ang ilan sa mga natutunan mo kupal, di ka tatagal kung paiiralin mo ang mga alam mong sinulat sa papel ang basehan. Maninibago ka. Mahihirapan ka. Pero pag nalagpasan mo yan, magiging diyos ka. At ikaw mismo ang susulat sa papel na magiging basehan ng mga kupal na gustong matuto. Sayo manggagaling ang basehan na kanila ding iiwan.

Ulitin hanggang magsawa ka.

Ang Kaso Minsan

Anumang pagkakahawig nito sa tunay na kwento ng tao, buhay at pangyayari ay hindi sinasadya ng author. Wala siyang binanggit na pangalan ng kung sino man o alin mang lugar maliban sa nasabing gamot(s). Sabihin mo amen.


Monday 28 May 2012

Wala ng pre-visit yes!

11 December 2011

Sa school ko, noong studyante pa lamang ako, isang araw bago ang scheduled duty, nirerequire kaming magpre-visit sa ospital at sa mga pasyente para hindi kami tatanga-tanga sa araw ng duty. Hassle ito promise lalo na sa may duty schedule ng MTW, tae kailangan mo pang magpunta sa ospital ng araw ng linggo -- men linggo yon, ang diyos nga nagpapahinga tuwing linggo, mga student nurse pa kaya? Hassle din ito sa may duty schedule ng THFS dahil pagkatapos ng maghapon pakikinig sa klase, --e syempre tang-ina klase yun eh, makikinig ka maghapon, edi lamog lamog utak mo-- bibisitahin mo ngayon ang mga pasyente at malamang lamang e wala ka pa sa sarili mo pag nag-iinterview ka dahil sa hang-over sa lecture ng instructors mong matataba ang utak. In short hassle talaga.



Isa pa sa mga hassle dito ay ang get-up, kailangan semi-formal o mas kilala sa pre-visit attire, o semi-pogi o nursing shirt day plus yung labgown. Labgown na noong 3rd year e walang kagusot gusot tapos nang mag 4th year, maswerte na kung nadaanan ng plantsa. Siyempre pangit nga naman kung haharap ka sa pasyente na mas maporma pa yung bantay niya sayo. Papayag ka ba naman non e tang-ina aspiring nurse ka nga diba?

Eh ang sarili mo, love mo ba?

Caller number 1: Ikaw ba ay nololong-kot, okaya naman ay nabobog-not? May problema ka sa pag-ibig. Hindi pag-iinom ang "sagot", pero nakakapagpalimot kasi ng "tanong" ang alak.





Tungkol sa love ito diba? Bale ano, bago ang lahat, may ilang katanungan muna ako sa iyo. Love ka ba niya? Love mo ba siya? Ikaw lang ba love niya? Eh ikaw, siya lang ba? Gusto mo ba yang nararamdaman mo ngayon? Nahihirapan ka na ba? Eh ang sarili mo love mo ba?



Disclaimer muna, hindi ako magaling o karapat-dapat magpayo o nagpapayo pagdating sa mga ganitong usapin dahil 1)failed experiences PA lang ang meron ako (pero pwedeng sabihin na may natutunan naman ako kahit papaano) at 2)logic kasi ang ginagamit kapag nagpapayo, at ang masama ay hindi naman talaga gumagana ang logic kapag inlove(been there, done that) so parang wala lang din itong sasabihin ko, kaya nga love is blind.

Balik sa mga tanong. Hindi mo naman kailangang sagutin yung mga yes/no question. Gusto ko lang na itanong mo sa sarili mo yung mga yun para magkaroon ka ng self-awareness sa kwan, self mo. Sa problema mo. Pero kung natanong mo na ang mga yon at nasagot mo na at aware na aware ka naman, good for you. Eto ang paybtawsan cash! Kidding aside, love mo ba ang sarili mo?

Thursday 22 December 2011

Gapos

I. Mundo



Ika-dalawampu't dalawang kaarawan niya ngayon. Dahil nga kaarawan niya, siyempre parang ineexpect niya na may gagawin akong supresa sa kanya. Ganoon naman talaga e, kahit sabihin ng mga babaeng hindi nila ineexpect yung mga ganoong bagay, meron at merong expectations yan. Nagkakaiba lang sila sa bigat ng expectations. At may balak nga talaga akong surpresahin siya sa kanyang opisina. Dapat. Ang kaso, tinrangkaso ako. 38.2 ang basa ng thermometer. Sinubukan kong bumangon sa kama, pero hindi talaga kaya. Putang ina sa lahat pa ng araw bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang noong isang araw kung kailan buong araw lang akong tumunganga sa trabaho? Bakit ngayon pa kung kailan dapat espesyal ang araw niya? Nag-file ako ng leave para lang magkasakit? Putang ina talaga.

Tanggap ko na, na hindi talaga kami para sa isa't isa. Natutunan kong tanggapin ang lahat matapos ang halos ilang taong pagninilay-nilay sa mga nangyari sa mundo. Siya na aking naging mundo. Mahirap lang nung una, dahil matapos ang lahat ng mga nangyari sa amin ay ganito, magtatapos sa wala. Hindi ko na siya hinabol dahil alam kong ako mismo ang gumawa ng dahilan para sa kanyang naging desisyon. Dahilan na hindi ko maitanggi sa parehong paraan na hindi ko rin matanggap. Dahilan na gawa ng hindi inaasahang pagkakataon, ang putang inang pagkakataon na hindi ko masisisisi dahil hindi ko ito magawang baguhin.

Tinawagan ko siya. Sabi ko, pasensya na, babawi talaga ako pag-okay na pakiramdam ko. Okay lang daw sabi niya. Magpahinga na daw muna ako at magpagaling. Pupuntahan niya dapat ako sa bahay kaso may lakad sila ng kanyang pamilya ng gabing iyon. Wala akong magawa. Makalipas ang ilang araw, naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Bihira na kaming magkita. Kesyo busy siya sa trabaho na kahit sunduin ko siya e mas pinipili niya ng magovertime. Hindi ako manhid para malaman kong umiiwas na siya. Putang ina talaga. 

Walang closure. Basta ganoon na lang. Wala akong masisi. Putang ina talaga.