Thursday 22 December 2011

Gapos

I. Mundo



Ika-dalawampu't dalawang kaarawan niya ngayon. Dahil nga kaarawan niya, siyempre parang ineexpect niya na may gagawin akong supresa sa kanya. Ganoon naman talaga e, kahit sabihin ng mga babaeng hindi nila ineexpect yung mga ganoong bagay, meron at merong expectations yan. Nagkakaiba lang sila sa bigat ng expectations. At may balak nga talaga akong surpresahin siya sa kanyang opisina. Dapat. Ang kaso, tinrangkaso ako. 38.2 ang basa ng thermometer. Sinubukan kong bumangon sa kama, pero hindi talaga kaya. Putang ina sa lahat pa ng araw bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang noong isang araw kung kailan buong araw lang akong tumunganga sa trabaho? Bakit ngayon pa kung kailan dapat espesyal ang araw niya? Nag-file ako ng leave para lang magkasakit? Putang ina talaga.

Tanggap ko na, na hindi talaga kami para sa isa't isa. Natutunan kong tanggapin ang lahat matapos ang halos ilang taong pagninilay-nilay sa mga nangyari sa mundo. Siya na aking naging mundo. Mahirap lang nung una, dahil matapos ang lahat ng mga nangyari sa amin ay ganito, magtatapos sa wala. Hindi ko na siya hinabol dahil alam kong ako mismo ang gumawa ng dahilan para sa kanyang naging desisyon. Dahilan na hindi ko maitanggi sa parehong paraan na hindi ko rin matanggap. Dahilan na gawa ng hindi inaasahang pagkakataon, ang putang inang pagkakataon na hindi ko masisisisi dahil hindi ko ito magawang baguhin.

Tinawagan ko siya. Sabi ko, pasensya na, babawi talaga ako pag-okay na pakiramdam ko. Okay lang daw sabi niya. Magpahinga na daw muna ako at magpagaling. Pupuntahan niya dapat ako sa bahay kaso may lakad sila ng kanyang pamilya ng gabing iyon. Wala akong magawa. Makalipas ang ilang araw, naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Bihira na kaming magkita. Kesyo busy siya sa trabaho na kahit sunduin ko siya e mas pinipili niya ng magovertime. Hindi ako manhid para malaman kong umiiwas na siya. Putang ina talaga. 

Walang closure. Basta ganoon na lang. Wala akong masisi. Putang ina talaga.

Monday 12 December 2011

Angst Lisensya

Itong parihabang plastic na ito. Itong kapirasong parihabang plastic na ito, na hindi naman magagamit bilang pambili ng pagkain o pambayad sa kuryente. Galon ng pawis, luha at dugo ang tumulo bago ko ito nahawakan. Pinagpuyatan ko ito. Pinaghirapan ko ito. Iniyakan ko ito. Tapos babalewalain lang nang kung sinong hindot na wala namang kaalam-alam sa hirap na dinanas ko bago ko ito makuha? Tang ina nila.