Thursday 22 September 2011

Monologue ng Batang Natutulog(sa klasrum)

Ang nakaraan,


Teacher: Okay class pass your papers. At the count of 10 all papers in, 1, 2, 10.

“Truth behind the truth”


-Yan, yan yan, epekto nanaman ng kakapanood mo ng Boys Over Garden! Hahaha.


-‘Lul! Wala, nabasa ko ‘to sa vandal ng upuan. ‘Truth behind truth’, ang lalim e oh.


-Tingin nga? Mababaw naman. Malalim pa yung butas ng ilong mo! Hahaha.


-Fekyu!


-Truth behind the truth. edi katotohanan sa likod ng katotohanan! Wala ‘to! Why complicate such things if you can just let it be simple. Hahaha.



-E tinagalog mo lang eh, sabay hihirit ka ng English. Kumag!


-Hahaha. Sige sayangin mo oras mo sa kakadecode dyan. Ano namang mapapala mo dyan?


-Wala. Pampatalino. ‘Tsaka pampatibay ng utak.


-Ulul. Hahaha


-Oops. Ano? Ano ulet yung sinabi mo? Parang nakuha ko na!



-Yung alin? Ulul? Nakuha mo na na ulul ka? Nyahaha.


-Ulul. Naniniwala ka na ulul ako? Katotohanan sayo na ulul ako, pero katotohanan ba sa’kin ‘yun? Nagets mo yung logic?


-U-L-U-L. Hahaha


-Gagu! Ayaw mo ba magbrain storming? Para gumana naman ‘yang grey matters mo. Tangena kapag porno ang topic intellectual ka, pero pag ganito sabog ka naman sumagot. Hahaha


-Ulul. Ikaw ang mahilig sa porno, ‘tas ipapasa mo sa’kin? ANALyst! Maderfounder!


-Dobol Fekyu! Hahaha


-Sige, papatulan kita sa mga kaululan mo sa buhay tutal,nakarinig ako ng salitang porno. Hahahaha


-Gagu ka talaga! Hahaha. Kita mo, nakarinig ka lang ng porno, naging intellectual ka na. Hahaha. Basta talaga ANALytics at ANALyzation nagigising inner demons mo. Hahaha


-Ululululul!. O yung truth truth mo na, fire!


-Hahaha.*ehem* ganito,sabi kasi, truth behind the truth, yun na nga, may katotohanan pa sa likod ng katotohanan na alam nating totoo.


-So ano yun?


-Eksampol. Blue nga ba talaga ang sky? Nakikita natin na blue, pero tunay nga bang blue? O tayo lang ang nagsabi na blue?


-Uh, sabi kasi ng mga scientist, hindi daw blue, orange sa umaga, tas pink sa tanghali around 11:45am-12:15pm, minsan daw violet pa or green pag nakainom ka ng sabon. Pero sa totoong buhay, sky blue talaga.


-Ay oh? Orange? Totoo?


-Totoo. Totoong nauulul ka. Hahaha


-Tangina kala ko totoo na. Hahaha. Yun! Katulad nun, akala ko totoo na pero hindi pala totoo yung inaakala kong totoo.


-Kasi nga obvious na joke pero kundi ka ba naman kasi siraulo, naniwala ka na orange.


-Arggh. Truth behind the truth. Letseng vandal ‘to, napapaisip ako.Shiyet! Hahaha.


-O siya siya. Nakukuha ko na. Ang labo naman kasi ng egzampol mo. Teka isip ako ha.


-Sinong siya siya? At hindi ka isip, tao ka.


-Whatever sucker. Eto ganito, gamitin natin ang konsepto ng tama at mali.


-Pag tama ba check? Tapos pag mali naman, eks?


-Ulul. Ano ba ang tama? Ano ba ang mali? Pag mali ba hindi tama? Pag tama ba hindi mali?


-Tama. Ang alam ko, nagiging tama ang tinatawag nating tama kapag idinikta na ng lipunan na tama ang isang tama kasi nagiging norms. Tapos lahat ng sasalungat sa tinatawag nating norms na ‘yon, nagiging mali.


-Sino ba ang gumagawa ng norms? Tayo? Tayo nga ba? Sinu-sino ba tayo? Ang nakararami diba? Tapos lahat ng hindi sasang-ayon sa nakararami o norms e nagiging negative. E paano pag di ka kasama sa tinatawag na nakararami, tapos ang pinaniniwalaan mong tama ay taliwas sa pinaniniwalaan nilang tama, mali ka na ba ‘nun? Negative? Yung negative naman na ‘yun, norms na ng mangilan-ngilan na tao, mga taong hindi kabilang sa nakararami.


-Hmm. Yah. Yah. Sure. Sure. Sure. Ok. Ok. Ok. O sige ituloy mo, nag-enjoy ka e.


-Siraulo. O game tuloy ko, halimbawa, maniniwala ako na ang tae ay gayuma at gamot sa cancer, kung ako lang mag-isa ang maniniwala dun, syempre siraulo ang tingin nyo sakin. Pag ikaw naniwala din sa pinaniniwalaan ko, dalawa na tayo, pero syempre siraulo pa din ang tingin nila sa atin. Pag sampu na tayong naniniwala ‘dun, siraulo pa din ang tingin ng iba sa atin. Pano pag buong baranggay natin ang naniniwala sa pinaniniwalaan ko? Siraulo pa ba tayo? Kung sa loob ng baranggay ang tatanungin mo, normal na ‘yun at walang halong kasirauluhan sa konseptong ‘yun, pero pag sa labas ng baranggay ang tinanong mo, syempre siraulo pa din ang tingin nila sa atin. Paano pag buong bansa? Ganoon din, sa loob ng bansa normal, pag sa labas, abnormal. E paano pag buong mundo na? Normal na ba yun? Normal na. Paano pag may nakaalam na kaululan yung konseptong ‘yun at sinusubukan nyang gisingin ang kamalayan ng bawat mamamayan, maituturing bang normal siya? Siyempre hindi kasi lumabag siya sa naitakda ng norms.


-Zzz Zzz Zzz Zzz Zzz


-Ay putang- siraulo ‘to, ikaw ang may gustong magbrain storming ‘tas tinulugan mo ko.


-Ha? Ay oo oo, tama naman talaga yung sinabi mo. Gamot nga sa cancer yang tae, pinapahid sa noo yan diba?


-Motherfucker!


-Hahaha. Joke lang. syempre nakinig naman ako. Haba nga lang ng sinabi mo, akala ko tuloy nirecite mo na yung number mo sa Linggo ng Wika. Hahaha


-Zzz Zzz Zzz Zzz


-O o o gising gising! Sige tutuloy ko yung sinabi mo, ako naman.


-Game!


-Eto, yung konsepto mo ng norms norms, asteeg! Pero meron pa e, kung yung sinasabi mong depende sa nakararami ang magiging tama, mali, mabuti, masama, maganda, panget, etc. ibig sabihin, wala talagang depenisyon ng tama, mali, mabuti, masama, maganda, panget, etc. Ang pinagtatakhan ko lang bakit walang salitang nagawa tungkol sa neutrality o tipong saktong gitna ang isang bagay. Panget, Maganda, kung hindi ka panget, maganda ka, kung hindi ka maganda, panget ka, ano ang sa gitna ‘non? Sakto lang. Sakto lang, panay sakto lang, kung hindi ka mabait, masama ka, kung hindi ka masama, mabait ka. Sakto lang, napakageneric. Ang konsepto ng tao sa mundo ay parang donut, walang gitna.


-Naks, ang konsepto ng tao sa mundo ay parang donut, walang gitna. Pwede ring parang split ends, kasi magkahiwalay na dulo. Extremes.


-Hahaha. ‘Pag ‘tong truth behind the truth na to nadecode natin pakiramdam ko baliw na tayo. Haha. Kasi isipin mo, nawawala na ang konsepto natin ng tama at mali, kasi, maaring tama sayo pero hindi sa akin, at mapapatanong ngayon ako sa sarili ko, tama nga ba ang tama ko? Baka naman mali ang tama ko, okaya tama ang mali nila? Hahaha


-Hahaha. Meron namang tinatawag na research based kaya nagiging tama.


-Hahaha. Kaululan din ata yun eh, isipin mo, wala pa atang research na naging 100% ang kinalabasan, panay 80% above or 99.9%. Ibig sabihin may 0.1%-20% pa ding natitira, sila yung tinatawag na mangilan-ngilan na hindi pwedeng magdikta ng norms kasi nga konti sila. Hahaha


-Hahaha. Shet, mababaliw na ata ko. Ano nga ba, tama pa nga ba tong pinagsasabi ko? Maniniwala pa nga ba ko sa sinasabi ko? Baka naman mali na ‘tong sinasabi ko? Ikaw tama pa ba yang sinasabi mo?


-Hahahaha. Oo nga no? Shet, tama nga ba? Sinasabi ko ba ang naiisip ko? O naiisip ko ang sinasabi ko?


-Burahin mo na nga yang vandal na ‘yan dyan tangena baka may matulad pa sa atin. Hahaha. What you do not know won’t hurt you.


-Matulad na? mga sira ulo? Haha. E siraulo naman talaga tayo kasi pinatulan natin tong vandal na to. Haha.


-Kaya nga burahin mo. Hahahaha


-Haha teka teka, *binura ang pesteng vandal*, Ibig bang sabihin, what you do know will hurt you? Hindi diba? HindeEeEh!


-Who knows? Hahaha. Maniniwala ka pa ba sa akin pagkatapos mong narinig ang pinagsasasabi ko?


-Your nose! Haha. Depende, kung pasok ka sa norms ko. Hahaha.

-end-

Ikaw? Naniniwala ka ba? Sa alin? Sa ano? Sa wala? E sa meron? Sa pogi? Sa panget? Tama!

No comments:

Post a Comment