Thursday 22 September 2011

Tao-ism


Ang aga ko nanamang nagising kahit di nag-aalarm ang phone ko. Di ko alam kung gumagana lang ba yung 7-3 shift reflex ko, o excited ako. As usual wala na namang kainan ng almusal(Ang maaga kasi sa akin ay 5 minutes bago magbell). Bumili lang ako ng tinapay at fit 'n right, yep that's right, na hindi ko lang din nakain at nainom dahil nabusog ako sa gutom(alam mo yung pakiramdam na sa sobrang gutom mo e bigla kang nabusog? Iexplain ko on separate entry). At yun na nga pumasok na ko sa school. Crap, 2nd day of classes, pero parang first day of school pa rin. Ako ba ang stranger, o sila? O kami? Basta di ko kilala yung iba or namumukhaan. Ting! 2nd bell na. Simula na ng suntukan, ng utak. Discuss si sir, kamot ako ng ulo, explain si sir, tango ako. Sulat ng sinabi, sobrang bilis, di ko nasundan, kopya sa katabi. Oo hindi ako nakipagdaldalan. Repeat 'til lunch break. O yun na, naglunch break na.

Tapos...


(Ikwekwento ko pa ba kung ano, paano at saan ako kumain ng lunch? Hindi na, hindi naman 'to twitter.)

Balik sa klasrum. Oh, shit naligaw ata ako. Bakit wala ang mga kaklase ko? Na namumukhaan ko na. Baka nalate lang. Umupo muna ko sa upuan(alanganamang sa sahig), nag-isip ako ng malalim, tapos nagsulat.. ng vandal. Sulat, sulat, sulat. Puta bat wala pa ding tao? 30 minutes na ko dito sa klasroom a. Napuno ko na yung lamesa kakahintay. Hmm. Tama naman ang sked at klasrum ko. Kinuha ko yung sked ko sa bag at rine-check. O gago, tama naman. Bakit kaya wala sila? Aalis na dapat ako, kaso biglang may dumating. Di ko alam kung teacher o kaklase ko o janitor o, konsensya ko. Siyempre malabo na konsensya ko.

Lumapit sa'kin, di nagsasalita. Mga 5 seconds siyang mukhang tanga sa harap ko. Di ko natiis, kinausap ko. "Studyante ka din ba dito?" sabi ko, in a friendly way. Sumagot siya. "Hindi, ako ang konsensya mo." "Wtf? Bakit di ka mataba?" sagot ko, pero actually tanong yun. Di siya nakasagot.Sandaling napuno ng katahimikan ang classroom. Nang bigla akong napautot. Ang bango shet. "Konsensya? Siraulo ka ba? Paano kita magiging konsensya e wala ka sa frontal lobe ng utak ko?" sabi ko in a friendly way. "Kaya ka nga nakakapagmura ng ganyan ngayon dahil lumabas ako dyan sandali. Asshole." malumanay nyang sagot.

Biglang lumipad ang isip ko't napunta sa lugar kung saan maraming tanong na di nasasagot, hindi 'to sa senado. Naitanong ko bigla sa sarili ko, "Paano kaya kung lumalabas talaga yung konsensya natin? Or tipong yung konsensya pala natin e hindi lang konsepto kundi tao, yes you heard it right, tao." Siyempre di ko masagot. Bakit nga ba tayo nagtatanong sa sarili natin? Kung alam natin ang sagot, bakit pa natin tinanong? Or kung di natin masagot, bakit sarili pa natin ang tinanong natin? Hindi na lang si Google? At least siya kahit 'di tao e daming alam. At yun na nga, naguluhan na 'ko sa pagkwekwento, kaya bumalik na ko sa sarili ko at kinausap siya.

"Kung ikaw talaga ang konsensya 'ko, naniniwala ka ba sa diyos?" tanong ko. "Wala bang choices?" sagot nya, pero tanong yun. "A. Oo, B. Hindi, C. Letter A, D. Letter B, E. Both A and C, F. Both B and D, G. NOTA." sagot ko. "Nakabase ba sa konsensya mo ang iyong paniniwala? Gumagawa ka ba ng tama dahil naniniwala kang dapat gumawa ng tama, o nakokonsensya kang hindi gumawa ng tama?" alam mo na kung sinong nagtanong. "Nakabase ang aking paniniwala sa aking kaalaman. Salat pa 'ko sa kaalaman tungkol sa lumikha, sapat ba ang mga librong hango sa kwento't pinagpasapasahang interpretasyon ng mga manunulat na nagsasabi nakakita sa kanya? Masama bang maghanap ng mas malinaw na ebidensya? Kung hihiritan mo ko ng di mo kailangan ng ebidensya, kailangan mong maniwala thingy, hindi ba't pinapaniwala mo ko sa interpretasyon mo tungkol sa kanya, hindi sa kanya? Mas mabuti ba ang interpretasyon mo kesa sa akin?" sagot ko. In a friendly way. Nakatulog ang putang ina. Pero nakatayo pa din siya. Ginising ko. Pinunasan ang laway. Tumawa siya ng malakas. Naging seryoso ang pagmumukha.

"Pa deep ka masyado, oo o hindi lang ang sagot na hinahanap ko. Sa pag sabi mo ng tama o hindi, nangangahulugang may pinaninawalaan ka. Pinaniniwalaan na umaapekto sa iyong konsensya." sabi nya. Ang taray no? Tapos di ko natiis. Tinanong ko ulit siya "Kung ikaw nga ang konsensya ko, bakit ikaw lang ang nandi--" Halos di ko pa tapos ang tanong ko ng dumating lahat ng kaklase ko. Yun ang akala ko. Di ko nanaman pala kaklase. Isa isa silang nagpakilala, pero hindi yung parang sa mga pageant."Ako ang iniisip mo.", "Ako ang nararamdaman mo.", "Ako ang hinihiling mo.", "Ako ang ayaw mo." "Ako ang--". Puta 'bat ang dami nyo?! Lahat kayo, lumabas ba sa akin? Sigaw ko. In a friendly way. Walang sumagot.

"Guys di ako galit, nagtatanong lang ako okay?" pagalit kong sabi. Nagtinginan silang tatlo. Tapos tumingin silang lahat ng masama sa akin habang kinindatan naman ako ng nagpakilalang ayaw ko. "Ikaw ang lumabas galing sa'min. Hindi kami ang lumabas galing sayo." sabi nilang lahat except si ano, si ayaw ko, dahil busy siyang kumikindat pa din sa akin. Sumingit si konsensya, "True!".

Naguluhan ako dun ng sobra. Parang huminto ang oras ng mga sandaling iyon, hindi dahil nawalan ng baterya ang aking wrist watch, kundi naghang ako't napaisip sa kung ano bang ibig nilang sabihin, o suntukan ba hanap nila, ganun. "Sa magulang ko ako lumabas, hindi sa inyo!" ang sasabihin ko dapat, pero "Paanong? E tao lang kayo. Tao lang din ako. Tao lang tayo. Gago ba kayo? Anong ibig nyong sabihin sa sinabi nyo?" ang nasabi ko.
Nasa akin na ang sagot, kaya kelangan ko ng tanong.

"Nasa sa'yo na ang mga kasagutan, kailangan mo na lang intindihin ang mga bagay bagay na pinakumplikado ng pagtatanong tanong mo." sabi ng nagpakilalang si naiisip ko.  Habang ina-analyze ko yung sagot nya ay bigla silang nawala sa classroom. Shit, magic. Pero lumabas pala sila sa pinto habang tulala ako ng di ko napapansin sabi ni konsensya.Naiwan nanaman kami ni konsensya sa classroom. Habang takang-taka ako sa nangyayari, e tumatawa ang nagpakilalang konsensya. "O ano padeep ka pa?"sabi nya.

Tinignan ko siya. Nalukot ang mukha ko tapos bigla ding naunat. "Oo." sagot ko. "Wtf?" ang maikli nyang tugon. Ngumiti ako na parang isang tanga. Sa totoo lang, naintindihan ko na bigla kung anung kalokohan ang pinagsasabi ng mga 'to."Nanggaling ako sa kanila, dahil sila yung bumuo ng aking mga naiisip. Sila ang bumuo ng aking ano, katauhan. Kumbaga, parang jigsaw puzzle. Pero ang totoo, nanggaling din naman sila sa'kin dahil naimpluwensyahan ko din sila. Law of equivalent trade, law of equality, bla bla bla." sabi ko kay konsensya, habang binabasa ko ang text ng sumulat ng X v.1.0.

Tinignan nya ko ng masama. Tapos lumabas siya ng room ng di man lang sumagot sa kin. Natatae ata.Naiwan na ko ngayon mag-isa. Napamuni-muni (Naks, muni-muni). Eto ang ilan sa mga naisip ko:

Great minds think alike1. Ang tao, ay naiimpluwensyahan ng kapwa tao. Sa akin, sa'yo, at sa'tin lang umiikot ang mga ideya sa mundo. Kaya kung may naisip kang out of this world shit, e hindi na out of this world yun dahil naisip mo na e.
2. Walang original na personality ang tao, tipong sa kanya talaga, as in. Laging may influenceseses ng nakapalibot sa kanya, na tao. Kung gago lagi nyang kasama, malamang gago na din siya- sa mata ng ibang tao. Kung bakla naman, e malamang, alam na.

3. Maraming opinyon sa mundo(tulad nito), na nagiging makatotohonan lang depende sa pinili mong paniwalaang totoo.

4. Ang konsensya, ay... di ko din alam. Pero intact yung akin pramis peksman.

5. X v.01

6. Ginawa ng diyos ang tao. Ginawa ng tao ang diyos.
Ginawa kita. Ginawa mo ko.


8. Pogi pala ako 

Biglang bumalik ang nagpakilalang konsensya. "Oras na." sabi nya. "Oras na para?" tanong ko in a friendly way. Tinuro nya ang nasa likuran ko. Paglingon ko. Nawalan na ko ng malay. Sabay tugtog ng Heal the World ni Michael Jackson.

THE END

Hindi na ko nagising dahil napakakorni na kung tatapusin ko 'to bilang isang panaginip. Nangyari ba 'to? Oo, lahat sa isipan ko. Dahil nabasa mo ito, parte na ko ngayon ng pagkatao mo. Tao ako. Tao ka ba? Tao mismo.

Tao-ismo.


1 comment:

  1. Ang deep. Haha! Ang galing mo magsulat. Nakakagago pero inspiring. You got me addicted here. :-)

    ReplyDelete