Friday 23 September 2011

Mundong Kay Gulo ng Magulong Mundo

Nakakaloko paminsan-minsan ang mundo. Alam mo kung bakit? Bakit nga ba? Sige, ikwekwento ko. Ganito kasi, may mga panahon na joke ka ng joke na tila gusto mo lang naman na magbigay ng ngiti sa iyong mga kakilala. Mantakin mo ha, ‘bigay ng ngiti’, ibig sabihin libre, pero sa kasamaang palad lahat sila ay sumeseryoso sa tinatawag mong joke at ayaw tumanggap ng libreng ngiti. Anong nakakaloko dun? Wala, ewan kasi may time naman na seryoso ka na sa sinasabi mo pero tingin ng iba e joke pa din kaya hihirit din sila ng joke na di mo malamanlaman kung joke nga ba o seryoso din sila. Halimbawa, example ha, sabi ko ‘Ang ganda mo naman’, yung pagkakasabi ko ay sincere na sincere na walang halong sarcasm at syempre nakangiti ako (ang pangit naman siguro tignan kung wala kang emosyon habang sinasabi mo ‘yun) tapos ang interpretation ng sinabihan ko ay nanlalait ako or tipong ginu-goodtime ko siya. Eto siguro ang nakakaloko sa mundo, ang mga katotohanan sa lipunan ay di sineseryoso.




Nakakaloko ba ang mundo? Ewan, kasi may time na ang daming reklamo ng tao. Halimbawang example ulit, ‘pag nagbabasa ng isang article/sulatin/literary piece na sobrang haba, sasabihin, ‘ang haba naman nakakatamad basahin, di ko magets.’, kaya hahanap siya ngayon ng simplified version, yung tipong nakatago sa bawat mababaw na salita ang mga malalalim na kahulugan na nais iparating ng awtor sa mga makakabasa ‘nun. Kaso ang kalalabasan ganito naman, ‘Ang ikli, walang sense ata, di ko magets.’ Ang nangyayari, marami ang nakakaalam kaso konti ang nakakaintindi.


Paminsan-minsan lang ba nakakaloko ang mundo? Ewan, gaano ba kadalas ang “minsan” sayo? E ang “paminsan-minsan”? Shit diba? Parang wala naming pinagkaiba. Meron. Depende sa’yo. Depende sa’kin. Depende sa’tin. Lahat ng salita, ang kahulugan ay nakadepende sa atin.

Pati sa pag-ibig... ops, wala pa nga pala 'kong gaanong alam pagdating sa bagay na 'to(lul kokontra ka pa e). Basta ang alam ko, hindi ito nalalaman, kasi 'ito' ay nararamdaman. Pero yung iba nararamdaman na, nalalaman pa. Yung iba naman nalalaman, pero hindi nararamdaman o kaya naman ay nararamdaman pero hindi nila nalalaman. Marami ang nagiging wasak(wasak ang pag-iisip, basta lahat ng pwedeng mawasak sa tao, wag kang green minded!), nagiging bulag(pwedeng literal pwedeng hindi), nagiging bobo (kahit wala naman talagang taong bobo, siraulo meron siguro), manhid(eto yung mga nakakalaam pero hindi nakakaramdam, bat ba kanya kanyang definition yan! lul) at kung anu-ano pang mga shits na pwede mong maimagine na mangyayari sa isang tao basta na inlove. Kung ang pag-ibig ay nararamdaman, saan ba prinoprocess ang nararamdaman? sa utak? edi nalalaman din ng tao? E bakit meron pang manhid, torpe, martyr, two timers, three timers, kung lahat ang mga ito ay dumadaan sa ating isipan, isipan na may kakahayahang mag-isip at magdesisyon ng tama sa alin, mali sa ano? Yung sa puso puso, kalokohan, nagpupump lang naman ang puso ng dugo. Kung puso talaga ang nakakadama, hindi ba't unfair naman to sa mga may sakit sa puso? Gulo ng mundo diba? Siguro hindi naman talaga magulo, may mga tao lang na nagpapagulo.

Nakakaloko pa ba ang mundo? Oo. Uhh, hindi pala. Yung mga nasa mundo. Mga tao, tayong mga tao. Gumagastos ng bilyon bilyon para mapag-aralan ang nakaraan, nakaraan na future pa noong past. Nakakapagtaka lang kasi pinag-aaralan ang nakaraan para hindi na ulit ito maulit sa kasalukuyan at sa hinaharap, bakit hindi na lang kaya pag-aralan ang kasalukuyan at hinaharap para di matulad sa nakaraan? Mas magastos siguro.

Sa mundo ng politika... ewan, hindi naman ako botante, rehistradong botante kasi di ako umabot sa registration day (pero ang totoo, tinamad lang ako magparehistro). Magulo ang mundo ng politika, parang circus, lahat gustong magpapansin, lahat gustong maibenta pag papalapit ang araw ng eleksyon. Matatamis na pangako, makukulay na proyekto, mga pag-asang hindi naman talaga nagbibigay ng pag-asa sa karaniwang tao, ang mga karaniwang plataporma ng mga politikong gumagastos ng milyon milyon, o bilyon bilyong piso para makaupo sa pwestong magbibigay sa kanila ng sandamukal na responsibilidad na hindi naman nila ginagampanan. Design. Ang gulo kasi, gagastos ka ng bilyon, para sumweldo ng libo. Tinatawag silang 'taga-paglingkod ng bayan', pero paano nga ba sila nakakapaglingkod (halatang kulang ako sa pagreresearch tungkol dito)? Circus. Politika. Parang rollercoaster tuloy ang takbo ng ating bansa. paikot-ikot, pabalik-balik, walang pinatutunguhan kundi 'dun at 'dun lang din. At kung sinasabi mong may magagawa ang oposisyon laban sa administrasyon? ewan. Pag nanalo ang 'Oposisyon', sila na ngayon ang 'Administrasyon' at paulit-ulit-ulit-ulit ang rollercoaster ng buhay. Pilit na may ibinabagsak, pero hindi naman talaga alam kung ano ang dapat itayo.

May susunod pa ba? wala na muna. Naguluhan ka na. Naguluhan na ko. Naguluhan na tayo. Sa aking mundo, umiikot ang mundo mong iniikutan ng aking mundo.

No comments:

Post a Comment