Friday 23 September 2011

Monologue ng Batang di Makatulog

"Cheating is a crime"

-Ows?!

-Oo! Tangna lalo na pag nahuli ka.

-E pag di ka nahuli?

-Edi uhm, ayos lang siguro.

-Madami bang gumagawa nun?

-Medyo. Yung iba di nila alam cheating na pala yung ginagawa nila.

-Ahh. e pagkinunsinti mo ok lang?

-Depede kung OK lng sayo yung ginagawa nila o hindi.

-E pag hindi OK sayo?



-Ikaw, kung kaya mong magsumbong edi GO!

-E pag nalaman naman kasi nila na sinumbong ko sila magagalit sila sakin.

-Talagang ganun. Teka, ikaw hindi ka ba nagchicheat?

-Secret!

-GAGO! Di nga?

-Paminsan minsan.

-Edi nagchicheat ka din, sumbong mo din sarili mo! HAHAHA

-HEHE, Hulihan nalang kami..

-Nino? Nila?

-Ng sarili ko!

-Aw. Hahaha

-Hehehe

-Bwahaha!

-E ikaw nagchicheat ka din ba?

-Di maiwasan eh, pero di naman ganun kasobra.

-Wooo! Kita mo! Isa ka din pala e!

-Haha, syempre anong kala mo sakin santo?!

-Edi normal lang pala magcheat?

-Tingin ko, oo, kasi imposibleng hindi nagcheat yung mga teacher natin nuong studyante pa sila. Kita mo naman alam nila yung style ng mga studyante sa pagchicheat kasi napagdaanan din nila. Tsaka Bawal MAGCHEAT kaya nga tayo binabawalan.

-Aww.. Paano mo nasabi na Ok lang?

-Gago ka ba? Kakasagot ko lang a?

-Hehe. Sinusubukan lang kita! Nagpasubok ka naman.

-GAGO!

-Panu ba style mo sa cheating?

-Style? Glance. hahaha pinakabasic lang tsaka tanong tanong sa katabi. Ikaw ba?

-Ganun din parang sayo. Pero yung mga katabi ko Open Notes eh.
-
Weh? Lulupet ah! Samin din ganun... NYAHAHAHA!!

-HAHAHAHA!!!

-Well, di mo naman masisisi ang sarili mo kung mahirap talaga yung exam kaya ka nagchicheat.

-Yun nga ang problema eh. Hindi ko sinisisi ang sarili ko. Sila ang NANINISI sa akin. Yung mga nagmamalinis ba.

-PAKYU KAMO!! HAHAHA

-Pero mas masaya ako pag nakakakuha ako ng mataas na grade na hindi galing sa cheat.

-Sino bang hindi? Kaya ka lang dapat, pero di talaga dapat, mag cheat ay para pumasa sa babagsak na exam hindi para mag TOP 1 sa klase!

-Weh?

-Bakit proud ka ba pag highest ka pero galing sa cheat?

-OO naman! Tangna ang hirap ata mangopya! Haha

-GAGO! haha ibang klaseng balat meron ka, Crocodile!!
-
Hehe. Joke lang yun syempre.. E magpakopya pala masama din ba?

-Oo naman! Lalo na pag Mali mali yung mga pinapakopya mo!

-Hahaha! OO nga naman..

-E rules sa cheating.. Meron?

-Oo. Una, magcheat ka lang pag taeng tae ka na sa hirap ng exam.. "It's better to cheat than to repeat". Pangalawa, wag kang aamin pag nahuli ka, hangga't kaya mong ideny, ideny mo! At pag nahuli ka, walang laglagan. Ikaw din baka maging robot ka pag niresbakan ka?

-Panong robot?

-De-battery para gumalaw.

-WOW!! ang daming mong alam pagdating sa pangongopya a?

-Tanga! Common Sense yun!

-Haha-teka anong point mo dun?!

-Wala ka nung sinabi ko.

-Ha?

-Oo.

-Ang labo mo!

-Ikaw din Gago!

-Haha!

-Basta eto tandaan mo. Pag nandadaya ka, hindi yung papel o yung instructor mo ang dinadaya mo kundi ang sarili mo.

-Ang lalim. Babawan mo lang!

-In short, Pag nandaya ka, sarili mo yung dinaya mo.

-Ha?

-Kasi pagnandadaya ka, ibig sabihin wala kang natutunan. Walang pumasok sa utak mo.

-Eh?

-Pucha! Di nako nagtataka kung bakit ka nandadaya.

-Ahh. Oo nagets ko na!

-Wooo!!

-Oo nga nagets ko na!

-Tsaka pala. Review your notes before exams not during exams.

-Hahaha! Oo na!

-Ayos?!

-Ayos! Haha! Salamat pala!

-Oo ba! walang problema! Teka tapusin ko muna tong ginagawa ko. Shet exams na namin di pa ko tapos.

-Ano ba yang ginagawa mo?

-CHEAT SHEET

-HAHAHA!

-Nyahahahaa!

No comments:

Post a Comment