Wednesday, 30 May 2012

Cycle

Iwanan mo muna ang ilan sa mga natutunan mo kupal, di ka tatagal kung paiiralin mo ang mga alam mong sinulat sa papel ang basehan. Maninibago ka. Mahihirapan ka. Pero pag nalagpasan mo yan, magiging diyos ka. At ikaw mismo ang susulat sa papel na magiging basehan ng mga kupal na gustong matuto. Sayo manggagaling ang basehan na kanila ding iiwan.

Ulitin hanggang magsawa ka.

Ang Kaso Minsan

Anumang pagkakahawig nito sa tunay na kwento ng tao, buhay at pangyayari ay hindi sinasadya ng author. Wala siyang binanggit na pangalan ng kung sino man o alin mang lugar maliban sa nasabing gamot(s). Sabihin mo amen.


Monday, 28 May 2012

Wala ng pre-visit yes!

11 December 2011

Sa school ko, noong studyante pa lamang ako, isang araw bago ang scheduled duty, nirerequire kaming magpre-visit sa ospital at sa mga pasyente para hindi kami tatanga-tanga sa araw ng duty. Hassle ito promise lalo na sa may duty schedule ng MTW, tae kailangan mo pang magpunta sa ospital ng araw ng linggo -- men linggo yon, ang diyos nga nagpapahinga tuwing linggo, mga student nurse pa kaya? Hassle din ito sa may duty schedule ng THFS dahil pagkatapos ng maghapon pakikinig sa klase, --e syempre tang-ina klase yun eh, makikinig ka maghapon, edi lamog lamog utak mo-- bibisitahin mo ngayon ang mga pasyente at malamang lamang e wala ka pa sa sarili mo pag nag-iinterview ka dahil sa hang-over sa lecture ng instructors mong matataba ang utak. In short hassle talaga.



Isa pa sa mga hassle dito ay ang get-up, kailangan semi-formal o mas kilala sa pre-visit attire, o semi-pogi o nursing shirt day plus yung labgown. Labgown na noong 3rd year e walang kagusot gusot tapos nang mag 4th year, maswerte na kung nadaanan ng plantsa. Siyempre pangit nga naman kung haharap ka sa pasyente na mas maporma pa yung bantay niya sayo. Papayag ka ba naman non e tang-ina aspiring nurse ka nga diba?

Eh ang sarili mo, love mo ba?

Caller number 1: Ikaw ba ay nololong-kot, okaya naman ay nabobog-not? May problema ka sa pag-ibig. Hindi pag-iinom ang "sagot", pero nakakapagpalimot kasi ng "tanong" ang alak.





Tungkol sa love ito diba? Bale ano, bago ang lahat, may ilang katanungan muna ako sa iyo. Love ka ba niya? Love mo ba siya? Ikaw lang ba love niya? Eh ikaw, siya lang ba? Gusto mo ba yang nararamdaman mo ngayon? Nahihirapan ka na ba? Eh ang sarili mo love mo ba?



Disclaimer muna, hindi ako magaling o karapat-dapat magpayo o nagpapayo pagdating sa mga ganitong usapin dahil 1)failed experiences PA lang ang meron ako (pero pwedeng sabihin na may natutunan naman ako kahit papaano) at 2)logic kasi ang ginagamit kapag nagpapayo, at ang masama ay hindi naman talaga gumagana ang logic kapag inlove(been there, done that) so parang wala lang din itong sasabihin ko, kaya nga love is blind.

Balik sa mga tanong. Hindi mo naman kailangang sagutin yung mga yes/no question. Gusto ko lang na itanong mo sa sarili mo yung mga yun para magkaroon ka ng self-awareness sa kwan, self mo. Sa problema mo. Pero kung natanong mo na ang mga yon at nasagot mo na at aware na aware ka naman, good for you. Eto ang paybtawsan cash! Kidding aside, love mo ba ang sarili mo?

Thursday, 22 December 2011

Gapos

I. Mundo



Ika-dalawampu't dalawang kaarawan niya ngayon. Dahil nga kaarawan niya, siyempre parang ineexpect niya na may gagawin akong supresa sa kanya. Ganoon naman talaga e, kahit sabihin ng mga babaeng hindi nila ineexpect yung mga ganoong bagay, meron at merong expectations yan. Nagkakaiba lang sila sa bigat ng expectations. At may balak nga talaga akong surpresahin siya sa kanyang opisina. Dapat. Ang kaso, tinrangkaso ako. 38.2 ang basa ng thermometer. Sinubukan kong bumangon sa kama, pero hindi talaga kaya. Putang ina sa lahat pa ng araw bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang noong isang araw kung kailan buong araw lang akong tumunganga sa trabaho? Bakit ngayon pa kung kailan dapat espesyal ang araw niya? Nag-file ako ng leave para lang magkasakit? Putang ina talaga.

Tanggap ko na, na hindi talaga kami para sa isa't isa. Natutunan kong tanggapin ang lahat matapos ang halos ilang taong pagninilay-nilay sa mga nangyari sa mundo. Siya na aking naging mundo. Mahirap lang nung una, dahil matapos ang lahat ng mga nangyari sa amin ay ganito, magtatapos sa wala. Hindi ko na siya hinabol dahil alam kong ako mismo ang gumawa ng dahilan para sa kanyang naging desisyon. Dahilan na hindi ko maitanggi sa parehong paraan na hindi ko rin matanggap. Dahilan na gawa ng hindi inaasahang pagkakataon, ang putang inang pagkakataon na hindi ko masisisisi dahil hindi ko ito magawang baguhin.

Tinawagan ko siya. Sabi ko, pasensya na, babawi talaga ako pag-okay na pakiramdam ko. Okay lang daw sabi niya. Magpahinga na daw muna ako at magpagaling. Pupuntahan niya dapat ako sa bahay kaso may lakad sila ng kanyang pamilya ng gabing iyon. Wala akong magawa. Makalipas ang ilang araw, naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Bihira na kaming magkita. Kesyo busy siya sa trabaho na kahit sunduin ko siya e mas pinipili niya ng magovertime. Hindi ako manhid para malaman kong umiiwas na siya. Putang ina talaga. 

Walang closure. Basta ganoon na lang. Wala akong masisi. Putang ina talaga.

Monday, 12 December 2011

Angst Lisensya

Itong parihabang plastic na ito. Itong kapirasong parihabang plastic na ito, na hindi naman magagamit bilang pambili ng pagkain o pambayad sa kuryente. Galon ng pawis, luha at dugo ang tumulo bago ko ito nahawakan. Pinagpuyatan ko ito. Pinaghirapan ko ito. Iniyakan ko ito. Tapos babalewalain lang nang kung sinong hindot na wala namang kaalam-alam sa hirap na dinanas ko bago ko ito makuha? Tang ina nila.

Thursday, 17 November 2011

Bote

“I looked into that empty bottle and I saw myself."

-Grace Metalious

Bote. Literal na hindi literal na may apat na bote na dadaan sa buhay mo. Pero hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng quotation na nilagay ko, sa boteng mababasa mo. Ang mabote pa...

Thursday, 20 October 2011

Curiousity killed the cat

Question:


Anong sabi ng aso nang makita niya ang mga pusa na nag-aanuhan

Answer:

That's dogstyle bitch! Fucking copycats!

Tuesday, 27 September 2011

Morgan

Noong bata pa ako, may binigay sa akin na tuta si mang Kanor. Pinangalanan ko yung tuta ng Morgan. Matabang lalake si Morgan at kulay puti ang kanyang mga balahibo. Malalaki at kulay brown ang kanyang mga mata. Si Morgan ay isang askal na anak ng aso nila mang Kanor na si Jackie, pero hindi ko alam kung sino ang kanyang tatay. Tuwing umuuwi ako galing sa paaralan, lagi akong sinasalubong ni Morgan sa gate namin. Kapag wala namang pasok ay lagi ko siyang kalaro sa may bakuran. Ayaw na ayaw ni Morgan ang pinapaliguan siya. Noong pinaliguan ko siya minsan, umalulong siya ng umalulong at muntik pa akong kagatin. Siguro pusa ang tatay niya.


Monday, 26 September 2011

Paulit-ulit nalang

I. Unibersidad

Lunes nanaman, eto ang pinakaayaw kong araw. Paulit-ulit nalang. May bagyo pa badtrip. Bakit ba kasi hindi pa sinuspinde ang klase, e halos nagsisiliparan na ang mga bubong dito. Ang labo din kasi ng PAGASA na walang pag-asang tumama sa pag-uulat ng panahon. Signal number 1 lang daw dito ngayon, pero tang-ina brip ko na lang ata ang hindi basa habang nilulusong ko 'tong galit na galit na ulan.

Diretso ako sa aking pinakamamahal na unibersidad. Medyo malapit na pala kong malate sa klase, shit. Pagdating sa gate, chineck ng mga sekyu ang bag ko, na notebook at ballpen lang ang laman, at kinapkapan ang pantalon kong medyo basa. University protocol daw, para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. 

Oo eto may bomba ako mga motherfuckers at bobombahin ko kayo. Anong akala niyo sa mga studyante niyo, mga terorista?