Monday 28 May 2012

Wala ng pre-visit yes!

11 December 2011

Sa school ko, noong studyante pa lamang ako, isang araw bago ang scheduled duty, nirerequire kaming magpre-visit sa ospital at sa mga pasyente para hindi kami tatanga-tanga sa araw ng duty. Hassle ito promise lalo na sa may duty schedule ng MTW, tae kailangan mo pang magpunta sa ospital ng araw ng linggo -- men linggo yon, ang diyos nga nagpapahinga tuwing linggo, mga student nurse pa kaya? Hassle din ito sa may duty schedule ng THFS dahil pagkatapos ng maghapon pakikinig sa klase, --e syempre tang-ina klase yun eh, makikinig ka maghapon, edi lamog lamog utak mo-- bibisitahin mo ngayon ang mga pasyente at malamang lamang e wala ka pa sa sarili mo pag nag-iinterview ka dahil sa hang-over sa lecture ng instructors mong matataba ang utak. In short hassle talaga.



Isa pa sa mga hassle dito ay ang get-up, kailangan semi-formal o mas kilala sa pre-visit attire, o semi-pogi o nursing shirt day plus yung labgown. Labgown na noong 3rd year e walang kagusot gusot tapos nang mag 4th year, maswerte na kung nadaanan ng plantsa. Siyempre pangit nga naman kung haharap ka sa pasyente na mas maporma pa yung bantay niya sayo. Papayag ka ba naman non e tang-ina aspiring nurse ka nga diba?


Ang purpose ng pre-visit e para mapag-aralan kinagabihan kung ano man ang case ng pasyenteng naka-assign sayo, at mabasa --o mamemorize kung kaya mo--, lahat ng gamot niya. Walang problema sa purpose kaso, sa sobrang pagod mo maghapon, mukhang malabong mapag-aaralan ng mabuti yung sinabing case. Buti sana kung uhog lang lahat yun na tipong in-allergy kakalaro ng pusang ina. Mapalad ka kung ganyan e paano kung may christmas tree yung nakuha mong pasyente at makapal pa yung listahan ng gamot niya sa kaya mong gawing NCP? Wasak diba? Pero atleast may idea ka kinabukasan sa case ng pasyente mo at hindi ka tatanga tanga pag tinanong ka ng kung sino man tungkol sa kanya.

Yun lang naman ang ayaw ko sa pre-visit. Hassle talaga. Pero nalagpasan ko. Madami akong natutunan, at mas tumibay ako, tipong Made in Japan. Kaya dapat wag alisin para maranasan din ng mga susunod sa akin. Sige masama na akong senior gago. Hahaha!

Kung senior mo ko at nababasa mo ito, gago para sa ikabubuti mo yan. Kumbaga pre-orientation yan e. May orientation ka na sa araw mismo ng duty, may pre-orientation ka pa bago ang mismong duty. Wala ng dahilan para maging tatanga-tanga sa area sa 2nd day mo doon.

Ngayong nalagpasan ko na ang pre-visit, na ayaw ko noong studyate pa ako, ironic, pero hinahanap ko lalo't first time kong magduduty sa area na hindi ko gamay bilang isang rehistradong nars. Handa akong magsuot ng semi-formal para sa ganyan, para mabawasan ang kaba ko bago magduty. Dahil mahirap maging tatanga-tanga sa area. Though hindi naman ako tatanga tanga, ganoon ang pakiramdam ko tuwing first time kong maeexpose sa bagong area. Fuck that!

O sige men, balitaan kita bukas kung nasigawan ako o natatanga tanga.

No comments:

Post a Comment