Monday 28 May 2012

Eh ang sarili mo, love mo ba?

Caller number 1: Ikaw ba ay nololong-kot, okaya naman ay nabobog-not? May problema ka sa pag-ibig. Hindi pag-iinom ang "sagot", pero nakakapagpalimot kasi ng "tanong" ang alak.





Tungkol sa love ito diba? Bale ano, bago ang lahat, may ilang katanungan muna ako sa iyo. Love ka ba niya? Love mo ba siya? Ikaw lang ba love niya? Eh ikaw, siya lang ba? Gusto mo ba yang nararamdaman mo ngayon? Nahihirapan ka na ba? Eh ang sarili mo love mo ba?



Disclaimer muna, hindi ako magaling o karapat-dapat magpayo o nagpapayo pagdating sa mga ganitong usapin dahil 1)failed experiences PA lang ang meron ako (pero pwedeng sabihin na may natutunan naman ako kahit papaano) at 2)logic kasi ang ginagamit kapag nagpapayo, at ang masama ay hindi naman talaga gumagana ang logic kapag inlove(been there, done that) so parang wala lang din itong sasabihin ko, kaya nga love is blind.

Balik sa mga tanong. Hindi mo naman kailangang sagutin yung mga yes/no question. Gusto ko lang na itanong mo sa sarili mo yung mga yun para magkaroon ka ng self-awareness sa kwan, self mo. Sa problema mo. Pero kung natanong mo na ang mga yon at nasagot mo na at aware na aware ka naman, good for you. Eto ang paybtawsan cash! Kidding aside, love mo ba ang sarili mo?


Since hindi ko alam ang buong istorya mo, mag-aassume nalang ako ng mga ilang bagay (though masama ang assuming pagdating sa love).

NAGKAKALABUAN - Nag-usap na ba kayo? Na-assess nyo ba ang dahilan kung bakit kayo nagkakalabuan? Sinubukan nyo na bang "palinawin" ang mga bagay bagay sa inyo? Gumana ba? Kung hindi gumana, bakit hindi muna kayo mag-cool off para mahimasmasan naman kayo at para magkaroon kayo ng ibang perspective o tipong ibang angulo sa pagtingin o pagsuri sa problema nyo sa ngayon. Mga letters nga kailangan ng space para maintindihan, tao pa kaya? Hindi din gumana? Maghiwalay na kayo. Hindi mo kaya? Pakamatay ka na. Joke, wag. May mga bagay talagang sadyang hindi gumagana. Wag mo na pilitin, move on. Magiging miserable ka lang.

MAY INVOLVED NA 3rd PARTY - Mahal mo? Handa mo bang bigyan ng isa pang chance kung magbabago siya? Kung oo edi ano pang pinoproblema mo? Na baka umulit? E bakit binigyan mo ng 2nd chance? Dahil mahal mo(back to question 1)? Binigyan mo ng 2nd chance, hindi nagbago. Bibigyan mo pa ng isa? Oo? Eh bakit hindi ka muna magpabaril sa luneta para malinawan ka? Hindi naman sa pagiging judgemental, pero ang tanong kasi e, love mo ba ang sarili mo?

IKAW YUNG 3rd PARTY - Tol, yan ang napakalaking problema. Dahil nga sa hindi ikaw ang "legal", halos tagilid lahat ng karapatan mo pagdating sa kanya. Karapatang magselos(Hindi lang mga insecure ang marunong magselos), karapatan na makasama siya sa oras na gusto mo, karapatang magdemand ng kung anu-anong shit, karapatan na makilala ang buong pamilya niya sampu ng kanyang mga kabarkada at kung anu-ano pang karapatan na na-eenjoy ng "legal" niyang karelasyon. Napakasubjective nitong sitwasyon na ito dahil pwedeng maging napakajudgemental ko, na tipong, "Bakit ka kasi kakabit-kabit, tapos ngayon magda-drama-drama ka?" Pero alam ko na isasagot mo ay "Hindi mo kasi maiintidihan hangga't wala ka sa sitwasyon ko." My ass. Itigil mo na. Magbagong buhay ka. Dahil nainiwala ako na kung paano mo siyang makukuha, e ganoon din siyang makukuha sayo. May mas karapatdapat pang tumanggap ng pagmamahal mo. 

Yan tatlo lang ang ididiscuss ko dahil hindi naman ako DJ sa radyo para magbigay ng kung anu-anong shit. At alam kong hindi mo naman talaga kailangan ng advice. Ang kailangan mo lang ay ang maliwanagan at magkaroon ng mas malawak na pananaw tungkol sa problema mo.

Love ka ba niya? 

- Kung oo, mabuti kung ganoon.

Love mo ba siya? 

- Kung oo, mas mabuti kung ganoon.

Ikaw lang ba love niya? 

- Eh, kung hindi ka naman seloso/selosa, ano problema mo?

Eh ikaw, siya lang ba? 

- 1 is to 1 pa rin naman ang sex ratio sa Pilipinas kaya wag ka munang gahaman. Pero naglipana na ang mga bakla kaya, pwedeng 1male:4female.

Gusto mo ba yang nararamdaman mo ngayon?

 - Kung hindi, itigil mo na. Kung gusto mo pa, ituloy mo lang.

Nahihirapan ka na ba?

 - Kung oo, itigil mo na din. Kung hindi, ituloy mo lang.

Eh ang sarili mo love mo ba?
Eh ang sarili mo love mo ba?
Eh ang sarili mo love mo ba?


1 comment:

  1. This really makes sense. I love it. :)

    ReplyDelete