Wednesday 30 May 2012

Ang Kaso Minsan

Anumang pagkakahawig nito sa tunay na kwento ng tao, buhay at pangyayari ay hindi sinasadya ng author. Wala siyang binanggit na pangalan ng kung sino man o alin mang lugar maliban sa nasabing gamot(s). Sabihin mo amen.


I. Edukasyon panira ng lovelife

Sobrang nagmamahalan si lalake at si babae. Kapwa sila estudyanteng may mga pangarap sa buhay --merong kanya kanya, meron ding para sa isa't isa. Pangarap ni babae na makapagtapos sa pag-aaral. At dahil sa mahal nga siya ni lalake, hinayaan munang siyang makapag-aral nito ng masinsinan upang makapagtapos nga siya sa ano, pag-aaral. Masakit man sa loob ni lalake, naghiwalay muna sila ng landas para ano, walang sex sex habang nag-aaral kasi nga ayaw niyang maistorbo si babae. Hindi na sila nagkikita pero nagkakatextan pa din sila paminsan minsan. Parang naging LDR (long distance relationship) na hindi yung nangyari sa kanila.

Makalipas ang ilang linggo, o buwan, o taon, out of nowhere, nabalitaan ni lalake na nagpakasal na pala si babae sa kung sino mang hindot na iniputan siya sa ulo. Nung una ayaw maniwala ni lalake dahil nga siyempre mahal niya si babae at pinagkakatiwalaan niya ito. Hindi naglaon, si babae na mismo ang nagkumpirma na kinasal na nga siya. Hindi makapaniwala si lalake sa nangyari. Hindi niya ito matanggap ang at nagsimula na siyang makinig ng mga emo songs at magkulong sa kwarto at mag hunger strike at kung anu-ano pang maladaptive coping mechanisms. Umabot ito ng ilang buwan, na nauwi sa taon. At siyempre, dahil sa hindi nasosolusyunan agad, lumala ng lumala. Alam mo na ang nangyari.

Kasalukuyan siyang umiinom ng haloperidol.

II. Ma, naman! I'm old na!

Kwento ito ng maagang paglalandi. Kwento ito ng pag-ibig na inosente sa tunay na mundo. Kwento ito ng pag-ibig na dala ng bugso ng damdamin at init ng katawan. Basta kwento ito ng pag-ibig, pahihirapan mo pa ko mag-intro eh.

Usually sa ganitong edad, ang mga lalake ay pagbabate lang ang nasa isip at kung paano nila mapapawi ang biglang sibol ng kanilang libido. Ang bida ng ating storya ay isang lalakeng na wala pang karapatang bumoto. Obviously dahil nga lovestory ito, malamang may kasintahan siya --na babae, para malinaw. Si babae, nasa wastong gulang na, kumbaga hinog na talaga, etong si lalake lang ang hindi pa. Nagmamahalan nagmamahalan nagmamahalan. To cut the story short, binalak nilang magtanan. Hindi pumayag si ermats ni lalake. Dahil dito dinamdam ito ng sobra ni lalake. Nagsimula na siyang makinig ng emo songs, magkulong sa kwarto, magpahaba ng bangs at maghunger strike at kung anu-ano pang maladaptive coping mechanisms. Umabot ito ng ilang buwan, na nauwi sa taon. At siyempre, dahil sa hindi nasosolusyunan agad, lumala ng lumala. Alam mo na ang nangyari.

Kasalukuyan siyang umiinom ng haloperidol.

III. Ang kaso minsan

Walang problema sa pagpapahaba ng bangs, paghuhunger strike, at pakikinig ng emo songs. Ang kaso minsan, kapag naging libangan ang pag gamit sa mga maladaptive coping mechanisms at hindi nasolusyunan agad ay maari kang... magkasakit.

Umibig ka hangga't kaya mo. Magpakalunod ka sa pakiramdam ng pagmamahal, nagmamahal at minamahal. Walang masama dito. Ang kaso minsan hindi pabor ang mga nasa paligid mo kasama ang panahon at parents mo.

Magdesisyon ka sa buhay. Gawin mo lahat ng gusto mo. Lahat ng sa tingin mo ay tama. Wag kang matakot dahil karapatan mo iyan. Ang kaso minsan ang akala mong tama, mali pala.

Tandaan, ang kaso minsan, habambuhay na gamutan.

1 comment: