Thursday 17 November 2011

Bote

“I looked into that empty bottle and I saw myself."

-Grace Metalious

Bote. Literal na hindi literal na may apat na bote na dadaan sa buhay mo. Pero hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng quotation na nilagay ko, sa boteng mababasa mo. Ang mabote pa...

I. Bote ng Gatas

Pagkatapos mong dumede sa ermat mo nang halos dalawang taon (breast milk is best for babies for the first 2 years and beyond), ito ang unang boteng makakaharap mo. Congratulations! Ibig sabihin nagsisimula ka ng matutong gumamit ng mga bagay na ginawa ng tao, upang mapadali ang kanilang mga buhay. Sa phase ng buhay mo na ito ka natututo kang magsalita, maglakad, gumpapang, tumayo, umupo, tumawa, ngumiti, magmura, kumain ng mala-taeng dinurog na gulay, at magdota. Hindi muna kasama yung magka-kras, ang aga mo namang lumandi kung ganoon. Siyempre hindi lahat dumaan sa phase na ito, dahil 1) Am, hindi lahat ng bata sa mundo ay pinalad na magkaroon ng pagkakataong uminom ng gatas. Kung gatas ang ininom mo nung bata ka, mapalad ka. 2) Ayon sa Integrated Management of Childhood Illness, mas dapat gamitin ang feeding cups sa bata dahil ang tsupon ng bote e hindi gaanong nalilinis kahit pakuluan at iyon ang nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga bata at pagkalugi ng mga kumpanyang gumagawa ng tsupon. Kung hanggang ngayon ay yan pa rin o yan lang ang ginagamit mo sa pag-inom ay napakalaki mong tanga dahil nakakapagfacebook ka at natuto kang magbasa pero hindi ka natutong gumamit ng baso. Joke. Hindi naman sa hinuhusgahan kita pero alam mo yun?

II. Bote ng Sopdrinks

Coks? Pipsi? iSprite? Pap? o Mountain Juice? Ilan lang yan sa mga brand ng softdrinks na naging parte ng buhay mo, at pagna-adik ka, tiyak sira ang buhay mo. Maniwala ka sakin. Peksman. Pakyu. Kung nakaabot ka sa dito, isang malaking "Congratulations!" ulit dahil ibig sabihin natuto kang gumamit ng baso. Teka hindi naman lahat umiinom ng ganito sa baso, yung iba tinutungga sa bote okaya gumagamit ng straw. Oo nga naman. Pero wala pa rin naman akong nakitang dumede ng softrinks eh. E yun nga yung gusto kong basehan wag kang nakikialam okay?

Sa phase na 'to, natuto ka ng sumayaw ng mas maayos, kumanta ng mas maayos, magsulat, magbilang, magcopy + paste ng assignment galing sa kaklase o sa internet, gumamit ng cellphone, magsabit ng medyas tuwing pasko, maglaro ng mga natunaw na kandila tuwing undas, at kung anu-ano pang skills na nag-improve mula sa pagdede sa bote ng gatas. Hindi din lahat dumaan sa phase na ito dahil:

a) allergic
b) ayaw tumaba
c) may sodaphobia
d) walang pambili
e) bawal sa religion
f) pamahiin ng matatanda
g) all of the above

Kung hanggang ngayon ay nasa phase ka pa rin na'to ng buhay mo, ay ayos lang dahil hangga't wala kang diabetes ay hindi ka makakaalis dito. Kahit pala may diabetes ay pwede ka pa din dito, salamat sa Coke Zero. Nag-rhyme yun.

III. Bote ng Alkohol(Alak 'to p're)

Hindi lang pampamilya pang-isports pa! Hindi ito tungkol sa rubbing alcohol, tungkol ito sa alak. 'Tong phase na to ng buhay mo, e nag-ooverlap sa phase ng bote ng sopdrinks. Ang pinagkaiba lang ay sa kung paano nagsimula ang lahat. Kung sa bote ng sopdrink ay naexpose ka pagkatapos mo sa phase ng bote ng gatas, etong phase na 'to maeexpose ka dahil sa curiosity. Wala pa akong nakitang pagkatapos sa bote ng gatas ay dumiretso na sa bote ng alak. Sa lalake, siga ka pag sa murang edad e umiinom ka na ng beer, at mas siga pa kapag umiinom ka ng gin. Sorry sexist talaga ang mundo. Biruin mo nadedevelop palang ang liver mo ay hinuhubog mo na itong masanay sa alkohol. Siguro (gagamitin ko ang salitang siguro dahil wala akong basehang statistics: f*-test, tes-test), grade 6 to 3rd year highschool nag sisimulang macurious ang isang lalake sa kung ano ang lasa ng alak, pakiramdam ng umiinom, at kung nakakapogi ba talaga at hahatak ba 'to ng sandamukal na chicks na nakabikini tulad ng mga nasa commercial sa TV. Tapos pagsama-samahin mo lahat ng batang lalakeng nacucurious sa alak at boom! meron ka ng barkadang nag-iinuman. At sa barkadang iyon, siguradong may ayaw uminom dahil ano, takot mapagalitan ng magulang. Diyan ngayon papasok ang peer pressure. Sa babae, hindi ko alam, siguro (gagamitin ko ulit ang siguro dahil base lang to sa naobserbahan ko, at maaring hindi totoo sayo) pareho lang. Palitan mo lang ng yung mga chicks na nakabikini ng mga lalakeng maskulado. Yung iba dahil sa pag-ibig natututong uminom. Oo, sabi sayo bisyo din ang pag-ibig, mas nakaka-adik pa kaysa sa alak.

Kung nakaabot ka sa phase na 'to ng buhay mo, congratulations again and again dahil ibig sabihin may social life ka. At hindi ka natakot sagutin ang katanungan mo gawa ng curiousity mo sa alak. Yun nga dahil sa nag-ooverlap ito sa bote ng sopdrinks, yung mga ginagawa mo dito ay parang ganun din sa phase na 'yon, mas improved lang. Sa phase na ito, sa tingin ko dumaan lahat ang tao. Kahit pa yung may allergy sa alak at ikamamatay niya ang pag-inom nito. May kakilala nga ako, patak lang ng brandy, patak lang as-in, kung alam mo yung Joy ni Bitoy, ganon na ganon lang karami ang nainom niya, hindi nga inom na matatawag yun e, halos itakbo na siya sa ospital dahil sa paninikip ng kanyang dibdib at pamumula na parang kamatis na ewan at ano, pamamaga ng kanyang mukha. Salamat sa kanyang mabubuting kaibigan at nadesensitize na siya sa alak. Exagge na kung exagge pero ano, tunay 'to. Una every 3 days na patak ang ginawa sa kanya, para bang binabakunahan siya. Tapos naging isang baso. Tapos naging isang bote. Tapos ayon, napanood mo yung Hangover 1 at 2? yung sa 3, ganon ang nangyari sa kanya. Wala na kong masabi sa phase na 'to, ishot mo na yan, tang-ina kanina pa nakatapat sayo yan e.

IV. Bote ng Dekstros

Five, four, three, two, one. Swero. Maaring nameet mo na ito nung bata ka pa, pero hindi mo lang siya maalala. Nasaktan ka kasi ng ipakilala siya sa'yo. Pwede ding linggo linggo mo siyang nakikita dahil sakitin ka. At pwede ding hindi mo pa siya nameet dahil sobrang lusog mo at hindi ka pa nakatapak sa ospital. Pero kung student nurse ka, kaaway mo 'to pag kinulang ka ng patak okaya pag sumobra (siguro sa school ko lang). "Pinainom ko sa pasyente, sayang naman, binayaran niya e." sabi ng kakilala kong student nurse sa pagto-trouble shoot ng underinfusion. Anyways, syempre kung hindi ka student nurse hindi mo mamemeet ang bote ng dekstros sa ganitong paraan. Mamemeet mo siya kapag may sakit ka, o mas madalas sa hindi, pag sobrang nagtatae ka.

Ang phase ng boteng ito ay nag-ooverlap sa tatlong iba pang mga bote. Maaring mameet mo siya bago mo pa mameet ang bote ng gatas. O mameet mo siya dahil nameet mo na ang bote ng sopdrinks. Pero isa lang ang sinisigurado ko sa iyo: kapag nameet mo na ang bote ng alak, mamee-meet mo din ang bote na ito. Partners yan e. Enjoy alkohol now, dekstros will enjoy you later. Ayos lang na nakakasalamuha mo itong bote na ito paminsan minsan, tipong every leap year lang ganun, kasi kapag napapadalas na inyong pagsasama, hindi mo na matatapos ang sinusubaybayan mong telenovela. Sabi ko nga sayo kanina, dahil natutunan mo ng gamitin ang mga bagay bagay na gawa ng tao, mapapadali na talaga ang buhay mo.

May iba't ibang flavor ang swero tulad ng PNSS, kung gusto mo yung medyo maalat. Okaya naman D50/50 kung gusto mo ng something sweet. Kung gusto mo ng lasang tubig, meron din naman sa gripo. At sa apat na boteng dadaan sa buhay mo, ito lang ang nangangailangan ng karayom(pwede din yung panahi) para magamit. Kumbaga yung tatlong boteng nabanggit e mga bisikleta, tapos ito motor/sasakyan, dahil kailangan mo ng lisensya para makagamit nito. Well actually hindi ikaw, kundi yung magtutusok sayo. Tapos yung...

Buod ng kalokohang ito:


May apat na bote daw na dadaan sa buhay mo, tipong kwan daw, developmental milestone:

1.) Bote ng Gatas (0-2 1/2 years old)
2.) Bote ng Sopdrinks (Depende-years-old-pag-marunong-ka-nang-gumamit-ng-baso - 'til death beybeh)
3.) Bote ng Alkohol (Depende-years-old-din-pag-may-barkada-ka-na - 'til death beybeh)
4.) Bote ng Dekstros (Depende-years-old-lalo-kung-pinanganak-kang-D5LRS-ang-unang-pinadede-sayo - 'til death beybeh)

*Hindi ko na sinama yung bote na may genie dahil kung naniniwala ka pa rin sa boteng 'yon, mukhang nasa bote ka parin ng gatas.

"A book is simply the container of an idea like a bottle; what is inside the book is what matters."

-Angela Carter

No comments:

Post a Comment