Friday 23 November 2012

Tae Na!

Natatae ka ba? Natatae kasi yung katrabaho ko. Pero di siya sure. Langya.





"Tae na ba 'to?"

Ganito ang unang tanong kapag sumasakit ang tiyan. Pero hindi mo naman talaga itatanong sa sarili mo, pero parang itatanong mo, kuha mo? Lalo na kapag nasa labas ka ng bahay. Minsan sa opisina. Minsan sa paaralan. Minsan sa byahe. Basta nasa labas ka ng bahay. At huwag mamaliitin ang pagtiming ng pagsakit ng tiyan. Kadalasan umaatake ito kapag abalang-abala ka sa trabaho, kasalukuyan kang pinapagalitan ng boss mo, kalagitnaan ng isang mahalagang pagsusulit(wow pagsusulit, at teka may pagsusulit bang hindi mahalaga?), nasa meeting ka, nasa bus o sa jeep ka tapos traffic amputangina, nasa date ka, nasa taas ka ng ferris wheel, nananood ka ng sine tapos climax na at kung anu-ano pang very good ang timing. Parang yung pagsulpot ng Anti-Cybercrime Law sa kalagitnaan ng RH Bill. Kalma ka lang, punasan ang namumuong pawis. Ngumiti na parang nakainom ng suka. At tantyahin kung tae na nga.


Utot lang to please.

Ganito naman ang pangalawang papasok sa isip mo. Susubukan mo ngayong magpakawala ng hangin habang binubulong mo sa sarili mo na,"please walang juice na kasama". Ire ng konti. Wops. Siyempre dapat dahan dahan lang, kasi ayaw mong gumawa ng tunog. Hayaan mo na yung amoy, importante walang tunog. Pag yung amoy kasi pwede kang isisi sa iba. Pero yung tunog hindi. Ewan ko din kung bakit ganon. Unang magreact sa amoy at huling magreact ang kadalasang suspect kapag ganito. Kaya timing. Malalaman mo na may amoy kapag mainit yung lumabas. Tandaan mas mainit mas mabaho, mas maingay mas walang amoy. Kung hindi maiwasang gumawa ng tunog, humingi ng sorry. Okay lang yan lahat naman ng tao umuutot. At dahil utot lang ang lumabas sa ngayon, makakahinga ka ng maluwag. Pwede mo nang punasan ang pawis mo. Huwag mag-alala, hindi pa nagtatapos diyan yan dahil sasakit ulit yan. Timing.


"Ano bang nakain ko kanina?"

Pangatlong papasok sa isip mo at pangalawang tanong. Ano nga ba? Iisipin mo na ngayon kung ano ang nakain mo. Madaling madetect ang sanhi ng pagsakit ng tiyan kung medyo maaga ka susumpungin. Iisipin mo lang kung ano ang kinain mo nung gabi, o inalmusal, o hindi ka ba nagbayad sa kinainan mo, o namburaot ka ba ng baon ng kasama mo. Hindi ko lang alam kung bakit mo pa iisipin yung naging sanhi kasi halimbawa sumakit ang tiyan mo ng bandang tanghali, pero ang kinain mo lang naman e yung binebentang mani ni manang o inihaw na hotdog ni mang berto na lagi mo namang kinakain at peyborit mo, maaalis ba nun ang pagsakit ng tiyan mo? Tipong, "Ahh yung mani pala, yan hindi na masakit." Titigilan mo na ba ang pagkain nun? Pero atleast alam mo.


"Tae na 'to"

Pagkatapos mong isipin kung anong nakain mo, marerealize mo na tae na talaga yan. Hindi lang siguro hangin yan kung maya't maya ang pag-utot mo na halos pwede mo nang gawing ringtone yung tunog. Hindi lang siguro hangin yan kung bawat galaw mo e may namumuong pawis sa nuo mo at naririnig na ng katabi mo yung borborygmi diyan sa tiyan mo. Ang po-problemahin mo na ngayon ay kung saan ka tatae.


Yung iba namamahay ang puwet. Di ko alam kung papaano sila kapag natatae na pero nasa labas sila ng bahay. Yung iba naman, tulad ko, sanay kahit saan, sa mall, sa gasolinahan, sa school, sa ospital, sa opisina o kahit sa damo lang talo talo na. Narito ang ilang bagay na maaring makatulong sa iyo sa pagtae sa labas ng bahay.



Materials:

  • Tissue
  • Alcohol
  • Lighter/Posporo
  • Sabon
  • Yosi (optional)
  • Pabango (optional)
  • Extra underwear (optional)



Instructions:

  1. Pumili ng pagtataehan. Kadalasan ang pinakamaruming cubicle ay yung sa pinakamalayo sa entrance ng restroom at ang pinakamalinis naman ay ang pinakamalapit sa entrance ng restroom.
  2. Kapag nakapili na, pumasok sa cubicle. I-lock ang cubicle, at magpatugtog ng dubstep. Drop the bass. Wub wub wub!
  3. Sabuyan ng alcohol ang toilet seat. Sindihan. Wag masyadong paliyabin baka matunaw. Saktong liyab lang para mamatay ang mga germs at mikrobyo.
  4. Latagan ng tissue ang toilet seat. Mga apat na patong para malambot. De, ang purpose talaga non e para hindi dumikit yung puwet mo sa toilet seat.
  5. Maglagay ng tissue sa mismong inodoro para maiwasan ang pagtalsik ng tubig sa puwet kapag nahulog ang mala-brasong tae. At para rin hindi gumawa ng ingay.
  6. Umupo sa toilet. Magconcentrate.
  7. Umire ng todo para isang bagsakan lang. Hindi advisable sa mga may almoranas.
  8. Repeat 2x then fade. Serve while hot. Good for 4 servings.



Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos tumae para humaba ang buhay. 


Basta nag-rhyme , wag ka nangengealam ha.
O siya, tae na! Tae na mo rin.

No comments:

Post a Comment