Wednesday 21 November 2012

GMRC sa Internet Seryoso?

"Huy, wag kang nagmumura sa Facebook o sa Twitter o kahit saang parte ng internet. Masama yun. May mga batang nakakabasa, baka gayahin ka."



Seryoso?

Alam mo ba kung gaano kalawak ang internet? Ako rin hindi. Pero napakalawak nito, sobra. Magsabi ka ng topic, meron dito. Magsabi ka genre, meron dito. Magsabi ka ng proposition, meron dito. Magsabi ka ng [insert word] meron dito. Pero hindi ko alam na bawal palang magsabi ng tang-ina, gago, tarantado, puta, hayop, punyeta, putragis, fuck, shit, damn, at kung ano ano pang "mura"? Seryoso? As in bawal? Alam ko bawal ang may murahin. Iba kasi yung nagmumura lang sa may minumura. Masama ang, "Putang ina mo!" pero hindi ang, "Ang saya nun putang ina, ulitin natin!" Seryoso bawal? As in? Batas talaga na bawal? Para sa kapakanan ng lahat bawal? Lalo na sa mga bata? Seryoso? Mga bata? Sa internet? Tang ina that.

Hindi ko alam kung bakit kapag sa internet ay masama ang magmura, pero sa totoong buhay bagamat masama din, ay ginagawa pa din. Dahil sa mga bata? Sa totoo lang, sa totoong buhay, madaming ka-mura murang mga bagay. Delayed na sahod, mga kontratang hindi nasusunod, bulok na sistema, kupal na katrabaho, kupal na mga boss, kupal na kapitbahay, kupal na driver ng jeep at bus, kupal na HR, kupal na network, kupal na internet service provider, kupal na mga presyo ng mga bilihin, mga gagong artista sa TV, mga gagong pulitiko, mga nakakagagong pagkakataon, mga nakakagagong eksena sa buhay at kung anu-ano pang ka-mura murang mga bagay. Araw-araw mong maririnig sa paligid mo pero ibang usapan pag sa internet? Seryoso? Tang ina that.

Kung para sa mga bata, kaya hindi ka magmumura, kahit may mga pagkakataong kamura mura na, e bakit ba kasi pinapayagan ang mga bata sa internet? Seryoso? Tipong, "Guys, hindi muna tayo kakain ng Lechon, Gerber lang kakainin natin ngayon, may kasama kasi tayong bata hindi pa niya kayang ngumuya non." Ano yon para hindi nila mabasa? Sa pagkakaalam ko konti lang naman ang interesadong magbasa, at konti lang ang natututo sa binabasa nila. Maaaring mali ako. Pero seryoso? Para hindi nila mabasa?

Bawal ang magmura pero pwedeng makipagchismisan at mang halungkat ng mga bagay na wala ka namang kinalaman. Seryoso? Bawal magmura pero pwede kang mang bully o manlait? Seryoso? Bawal sa internet pero pwede sa totoong buhay? Seryoso?

Di nga seryoso? Bawal nga? Edi bawal. Pero pwede magpakahipokrito.

No comments:

Post a Comment