Sunday 4 November 2012

Orientation Motherfucker



Naisulat at naganap noong December 12, 2011. Anumang pagkakahawig nito sa totoong buhay ay malamang sinadya dahil nangyari talaga ito sa totoong buhay.

Halos mag-iisang taon na rin pala. Shit.

"May hihigit pa ba sa pangit na gising mo sa umaga, 
Kung nauna ka pang nagising sa tunog ng alarm clock, punyeta. 
Excited ka ba? 
Nakatulog ka ba? 
O, pupungas pungas ka pa, 
Tignan mo may muta ka pa sa mata."


I. Uniporme

Sumikip ang uniporme ko. Isa lang ang ibig sabihin non. Nag-atrophy ang mga uniform ko dahil hindi nagagamit. O sige alam ko hindi yan ang gusto mong marinig, oo na tumaba na ako, gago. Kung dati e mukha akong hanger pag suot ko ang uniporme ko, ngayon mukha akong embutido. Pero pogi pa rin pakyu. Hindi ko kasi sinukat ang mga iyon kagabi dahil alam kong hindi naman buhay yung uniporme ko para lumaki.

Kanina pagpasok ko, siyempre lunes, flag ceremony. Kailangang umattend lahat ng empleyado. Pati yung mga pasyente. Napamura ako --oo men sabi ko 'Shiyet'-- nang makita ko yung suot ng mga babaeng pasyente. Kaparehong kapareho ng pinagmamalaki, or kung hindi man pinagmamalaki e trademark, na scrub suit ng pinakamamahal kong unibersidad, as in kapareho, yung gray lining lang ang pinagkaiba. Alangya kako, akala ko mga spa attendant lang ang kapareho nung suot namin, pati pala sa mga pasyente dito. Nagdalawang isip na tuloy ako kung isusuot kopa na pangtop yung scrub suit ko.

Sa tirik na araw, habang nagflaflag ceremony, naramdaman ko na may kakaiba sa uniporme ko. Makapal yung tela. Ang init. E wala ako sa Baguio. Wala din ako sa aircon.  Naiirita pa ako sa collar ko. Sigurado pa sa sure magpapawis ako. Wala sa ayos. Pero pogi pa rin pakyu. 

Simula na ng aking orientation.

II. Orientation

History, bla bla bla, 1948, bla bla bla, quarantine bla bla bla, JABL, bla bla bla bla, dati ward, bla bla bla, as of now hospital, bla bla bla 500 bed capacity, bla bla bla bla. Mission, bla bla bla bla, training institute, bla bla bla, dati mga post grad interns, bla bla bla, ngayong nurses, bla bla bla bla Vision, bla bla bla.

Organizational chart, bla bla bla bla, siya yung pinakahead, bla bla bla, si doctor, bla bla bla bla, tapos, supervisor, bla bla bla, bale 3, bla bla bla, tapos chief, bla bla bla, sa education, bla bla bla, tska sa ward, bla bla bla.

Yung admission, bla bla bla, OPD, bla bla bla, ACIS, bla bla bla, tapos depende kung discharge o bla bla bla bla, direcho sa ward 1, bla bla bla or CCU, bla bla bla bla, infirmary, bla bla bla, isolation, bla bla bla, 10 cells, bla bla bla yung new 12 bale 6, 6 bla bla bla.

Yung paperworks, madugo. Di ko pa gamay, pero madugo kasi nga di ko pa gamay. Kaya hindi ko na isusulat.

-Tour sa buong lugar tapos iwan yung isa sa OPD. 

Ako yun.

III. Oh? Pede?

Naiwan ako kanina dun. Medyo benign hindi katulad noong nagduty ako dati sa isang pampublikong ospital sa La Union. Noong sa La Union, na-assign ako bilang taga-kuha ng vital signs at timbang. Men tang ina wasak yon, tumayo ako simula 0900 hanggang 1500. Repeat 4x. Wasak! Pero dito, yun nga benign, kasi hindi naman ganoon karami talaga ang nagpapacheck-up tuwing tanghali. Orientation. Observe.

Nag-observe ako. Sakto lang, mababait yung mga staff as in. Nakakatuwa o paano ko ba sasabihin ng mas maayos, uhh, unoffensively nakakatuwa yung nasaksihan ko kanina. Schizophreniform disorder. Unang beses kong makakita ng ganoon, na hindi inaacting ng mga instructor kong may sapi din. Yun nga natuwa ako kasi tama na tama yung dinidiscuss noong college --so bale naappreciate ko yung pinag-gagagawa ng mga instructor kong may sapi noon. Eto yung ilan sa mga linyang narinig ko:

-Nag-grocery ka? Seven seven seven.
-Nagdasal ka? Seven seven seven.
-Kumain ako ng cheeseburger. Cheese flavor.
-Magpapakasal na ako.
-Ating sundin ang gusto ng diyos. Manalangin tayo.

Natuwa ako at the same time naawa ako at the same time naiisip ko kung paano ko i-aapproach yung ganoong tao, e noong college sa kulungan lang ako na-expose, wala namang tama yung mga tao doon -- well siguro may tama din kasi gumawa ng kabulastugan kaya nakulong. Pero iba kapag nagkaproblema sa pag-iisip dahil sa kaiisip ng problema.

"Pwede daw magrubber shoes."

"Oh? Pede?"

No comments:

Post a Comment